Present Time Matapos ang kasal namin noon ay umuwi din agad kami dito sa Manila dahil sa biglaan na tawag kay Xavier kaya naman ang binabalak nito palagi sa akin ay hindi matuloy tuloy na pabor naman sa akin. Hanggang sa makasakay kami ng elevator ay todo alalay ss akin ang isang ito na parang nag-ibang tao na naman ito at hindi si Xavier na lalaking laging nakasigaw at nakasimagot sa akin. Pakiramdam ko ngayon ay sobrang importante ko para dito dahil sa pinaparanas n'ya sa akin ngayon. Habang nasa elevator ay ganoon pa din ang sitwasyon namin pumikit na lamang ako at pagmulat ko ng aking mata ay nandito na kami sa baba. Inalalayan naman ako nito habang palabas ng elevator hanggang sa makarating kami sa kotse o mas tamang sabihin na magarang kotse nito na maghahatid sa amin sa venue

