"Ang mabuti pa ay kumain na muna tayong lahat at syempre kailangan din na makilala ng mga business partner natin ang asawa mo iho dahil kayo lang din naman ang mamahala sa ating kompanya kaya naman maganda na din na ngayon mo s'ya ipinakilala sa amin, bagama't nagulat kami sa inyong mabilisan na kasalan ay naiintindihan naman namin ang sinabi mo, dahil maging ako naman noong minahal ko ang iyong Lola kahit pa unang kita pa lamang namin ay parang gusto ko na agad s'yang pakasalan." Sabi pa ng Lolo nito na bahagyang nagbiro pa na ikinangiti naman ng Lola nito. "Ikaw talaga Ricardo napakabolero mo pa din hanggang ngayon." Sabi naman ng Lola nito na halatang masaya ang naging pagsasama ng mga ito. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang lambingan ng dalawa. Habang si Vanessa naman

