Chapter 7

2012 Words
Stevie's After a week of grieving, Stevie forced herself to get back to work. Napakarami na niyang naunsiyaming projects sa nakalipas lamang na mga araw. Tungkol naman sa The Club BGC niya ay laking pasalamat pa rin niya at nagprisinta pa rin si William na ito na lang muna ang bahalang mamahala sa club niya. Wala pa naman daw ito masiyado ginagawa sa DKRC at may mapagkakatiwalaan naman daw umano itong tao sa kompanya nito. Nasa rehearsal sila ngayon sa loob ng Studio Nine kung saan magpeperform sila ng kanilang mga winning piece when they competed outside the country. **** (Studio Nine is the largest operating TV Network in the Philippines. Owned by Senator Arthuro Gamboa and his son Bryce Maverick Gamboa is the current CEO na member din ng Dark Knights Riding Club and kung familiar po kayo sa Youtube Originals na Step Up - High Water, doon ko kinuha ang names ng ilan sa mga character dito sa aking story) *** She's busy fixing up her shoelace when her friend Odalie approach her. Kasama rin niya ito sa grupo ng mga dancers ng Team Philippines na nagco-compete across the world. Ang Versatile Moverz PH. "Hey." Bati nito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "I'm sorry for your loss, Stev(stef). And sorry din hindi man lang ako nakapunta sa burol ni Lola Emily." Odalie said in apologetic face. "Thanks, girl. And I understand your situation kaya hindi ka nakapunta sa burol ni Lola. Alam ko naman na hanggang ngayon eh nagluluksa pa rin ang puso mo sa hiwalayan niyo ni Davis." Tukoy niya sa ex-boyfriend nitong ka-grupo din nila. Davis cheated on Odalie kaya nauwi lang sa hiwalayan ang halos dalawang taon na ring pagiging magkasintahan nito. Ang masaklap pa,ka-grupo lang din nila ang ipinalit nito sa kanyang kaibigan at binuntis ni Davis na si Poppy Martinez. They can't believe that behind her soft and vulnerable attitude outside is a bitchy woman hiding in the inside. Nag-away si Odalie at Poppy kaya naman dahil sa nangyari ay nasuspinde ang tatlo sa kanilang grupo ng isang buwan at kamakailan lamang nakabalik sina Odalie at Davis. And as for that b***h Poppy Martinez. She got her early karma when her parents disowned her because of the scandalous s*x video kasama si Davis na kumalat at ito mismo ang may pakana para magkahiwalay ang kanyang kaibigan at si Davis. "And speaking of that devil. Ang kapal ng mukha niyang lapitan at kausapin pa 'ko kanina! Huh! Nandidiri ako sa kanya! Kung pwede nga lang ipatanggal ko siya dito sa grupo natin. Naku! Nakakagigil talaga!" Galit na saad ni Odalie. Naiintindihan niya kung ano ang pinanggagalingan neto. Kung siya man siguro ang nasa posisyon nito ay malamang ganoon rin ang magiging reaksiyon niya. "Kaya for now, mag-focus ka muna para sa sarili mo ha. Tigil mo muna yang love life love life mo na yan. It's not healthy for you." Nakangiti niyang payo sa kaibigan habang nag-i-stretching na matapos ayusin ang kanyang sapatos na suot. "Opo nanay. Oh, wait! Eh ikaw pala kamusta naman ang love life mo ha, friend? Trending ka na naman sa IG and Twitter girl! Haba talaga ng hair mo eh! Chika mo nga sakin kung sino yung Juanczo Vergara na 'yon." Kinikilig na saad pa ni Odalie sa kanya. Alam niya ang tinutukoy nitong nagpatrending na naman sa kanya. Ang pinost ni Juanczo kamakailan lang noong huli silang magkasama sa coffee shop. Napaka-intriguing naman kasi ng caption nito kaya tuloy binaha iyon ng libo-libong comments and reactions. Marami ring nag-direct message sa kanya ng makita ang post na yon at nagtatanong kung ano ang relasyon nila ni Juanczo. Kung kasintahan na daw ba niya ito o nanliligaw pa lang. And as for Juanczo wala pa siyang balita dito simula noong huli silang magkita. Ni wala man lang itong paramdam sa kanya kahit nagpalitan na rin naman sila ng cellphone number nito. Bahagya pa tuloy siyang nagtampo dahil roon kahit wala naman siya karapatan para magtampo ng ganoon. Hindi naman niya ito boyfriend. Kaso kasi namimiss na niya si Juanczo. Ayaw naman niyang siya ang maunang tumawag at baka ano ang isipin nito sa kanya. "Hey, Stevie! You look fresh today." Rinig niyang bati ng isa pa nilang kagrupo na si Collette na nakalapit na pala sa kinaroroonan nila. Isa pa ito sa gustong-gusto niyang kasama sa grupo. Napaka-jolly kasi ng personality nito at palangiti na animo hindi tinatablan ng stress. "Blooming kamo." Nanunudyo namang singit ni Odalie. "Tse! Tigilan niyo nga ako. Mag-stretching na lang din kayo para hindi ako ang nakikita niyo." Aniya na kunwaring naiinis pero nangingiti naman. "Ui! May kinikilig!" Si Odalie ulit. "Sige na, Stev. Magkwento ka muna dali. Habang wala pa yung floor director." Kinikilig at excited na wika naman ni Collette. She rolled her eyes upward and surrendered. Alam niya kasing hindi siya titigilan ng mga ito hanggat hindi siya nagkukuwento. Kaya sumalampak siya muli sa sahig at sinimulan ang magsalaysay kung paano sila nagkakilala ni Juanczo. Hindi maitatanggi ang kilig nina Odalie at Collete habang siya ay nagkukwento sa mga ito. "O pagkatapos ng date niyo kunwari sa Starbucks? Ano na nangyare?" Tanong ni Collette na nakapangalumbaba pa habang nakikinig sa kanya na kilig na kilig. "Wala na. After that hindi na siya ulit nagparamdam." Malungkot na sagot niya. "Baka naman busy lang. Edi ba nga Mayor siya sa Dilangan? Dinaglan? Saan kase?" Ani Odalie na hindi mabigkas ng maayos ang Dingalan na ikinatawa nila ni Collette. "It's Dingalan, Oda! Bobo!" Kunwaring biro ni Collette dito kaya mas lalo pa siyang natawa. "Ah basta Mayor siya ng isang bayan sa Aurora. Tapos sabi mo pa nga inaasikaso niya yung business nila sa Zambales. Kaya intindihin mo na lang. At saka teka nga! Eh ano bang inaarte mo diyan eh hindi pa naman kayo diba!." Ani Odalie sa kanya. Oonga naman! Naisip na rin naman niya yon kanina. Na wala siyang karapatan mag-inarte porket hindi man lang nagpaparamdam si Juanczo sa kanya. Wala rin naman kasi itong ipinangako sa kanyang nung huli silang magkita. Ang natatandaan lang niya, parang nagpapahiwatig ito ng pagkagusto sa kanya. Panay lang din ang papuri nito sa kanya na ikinataba ng husto ng kanyang puso. "You know what, mas lalo kang gumaganda kapag walang make-up. And mas lalo kang paganda ng paganda habang tinititigan kita." She remembered him saying that words to her na ikinapula ng kanyang pisngi ng husto. Napaka sincere kasi ng pagkakasabi ni Juanczo ng mga salitang iyon kaya ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo at hindi siya binobola lang. At sinabi lang din nitong magkikita pa silang muli bago siya nito ihatid sa kanilang mansiyon. Nakalimutan na kaya niyang sinabi niya yon? Nakalimutan na kaya niya ako? "Earth to Stevie! Oy maaga pa para managinip Stevie Doré!." Putol ni Odalie sa malalim niyang pag-iisip. Sakto rin naman na dumating na ang floor director ng programa kaya hindi na niya nakuha pang sumagot kay Odalie. "Okay Versatile Moverz! Let's get it on. Time for your rehearsal!" Sigaw ng floor director para kuhanin ang atensiyon nilang lahat. Nagkanya-kanya na silang pwesto ng magsimula na ang remix ng kanilang sasayawin para sa programa ng Studio Nine na ipapalabas rin kinabukasan. ---- ---- ----- PAGOD na pagod ang pakiramdam ni Stevie matapos ang taping nila sa Studio Nine. Umaga pa lamang nagsimula ang taping at ngayon ay alas sais na ng gabi. Palabas na siya ng building na iyon ng mamataan niya na parang may inaabangan ang gwapong bodyguard ni Juanczo sa labas ng entrance ng Studio Nine. At mukhang siya ang hinihintay nito sapagkat ang makita siya nito ay agad siya nitong nilapitan. "Good evening Miss Stevielyne Alonzo. Pinapasundo ka sa'kin ni Mayor Juanczo." Bungad ni Sylvester sa kanya na ikinakunot ng kanyan noo. "H-ha? B-bakit daw?" Bahagya siyang kinabahan sa isiping hindi naman pala siya nakalimutan ni Juanczo at may nalalaman pa itong pasundo-sundo ngayon. "He only instructed me to pick you up,Miss Stevie. And it's not part of my job to know what he is planning to do with you." Seryosong sagot naman nito na parang iritado na sa pagkainip sa paghihintay sa kanya. Whoah! Inglesero si Kuya! At suplado katulad ng amo. "Stevie!! Stevie!!" Napalingon siya sa tumatawag sa pangalan niya. Si Odalie pala na nagmamadaling papunta sa kinaroroonan niya. "Why, Odalie?" Tanong niya ng makalapit ito sa kanya. "Ano kase, hindi daw ako masusundo ng driver ko. Pwede ba kong makisabay na lang sa'yo?" Saad nito sa kanya na hinihingal pa mula sa pagtakbo. "Oh! Hi! Who's this beautiful guy beside you, Stev?" Hindi nakaligtas dito ang kasama niyang lalaki na mas lalo pa yatang nayamot. "Ahm hindi ko rin kasi dala yung kotse ko, Odalie. Nagpahatid lang din ako sa driver namin kanina. And---" tumingin muna siya kay Sylvester bago itinuloy ang kanyang sasabihin. "May lakad din kasi ako." Sabay turo sa bodyguard ni Juanczo. Hinila naman siya ni Odalie palapit rito at binulungan. "Who's that guy? Akala ko ba may mutual understanding na kayo nung Mayor? Ikaw Stevie ha, marunong ka ding lumandi." Bulong ng kaibigan niya sa kanya. Kinurot naman niya ito sa beywang bilang tugon dito kapagkuwan ay ibinulong din ang kanyang sagot. "Ano kaba! Baka marinig ka. Bodyguard yan ni Juanczo." Aniya sa kaibigan na napa "oh" without sounds sa sinabi niya. "Pwede natin isabay ang kaibigan mo, Miss Stevie para makaalis na din tayo. Kanina pa din kasi tawag ng tawag si Mayor at nagtatanong kung nasaan na tayo." Singit ni Sylvester sa kanila. "Oh great! Ang bait mo naman Mr. Bodyguard." Nagpapa-cute namang saad ni Odalie dito. "Let's go then at baka naiinip na si Mayor mo, Stev!" Kinikilig na namang sabi nito sa kanya at nagpatiuna ng maglakad. Napanganga siya ng makitang huminto si Sylvester sa tapat ng isang black Ford Mustang at ipinagbukas sila ng pintuan ni Odalie. Ilan bang mamahaling sasakyan meron si Juanczo? Nang makasakay na silang lahat ay walang sabi-sabing pinaharurot nito ang sasakyan. Nagkatinginan lamang sila ni Odalie na animo nababasa nila ang iniisip ng isa't-isa. Nagpasya siyang isatinig ang katanungan sa kanyang isip. "Ah, Sylvester? Can I ask you a question?" "Yes, Miss Stevie." Sagot nito na bahagya siyang tinignan sa rearview mirror. "Gaano ba kayaman si Juanczo at iba-iba ang sasakyan niya?" Nakita niyang tinignan muli siya nito mula sa rearview mirror at bahagyang natawa. Marunong din naman palang tumawa. "Actually, si Mayor dapat ang susundo sa'yo pero nagkaproblema ang sasakyan niya kaya nakiusap siyang ako na ang sumundo sa'yo. And to answer your question, kahit ilang beses pa mabuhay si Mayor eh hindi mauubos ang kayamanan nila. But unfortunately, this car is not his'. It's mine." Seryosong sagot nito sa kanya na ikinamangha niya ng husto. Si Odalie naman ay naging interesado na rin sa usapan nila at nakatingin kay Sylvester na nakakunot ang noo. "You're not a real bodyguard, are you?" Tanong dito ng kaibigan niya. "I am." Amused naman na sagot ni Sylvester dito. "Then why are you having a car like this?" Isinatinig na rin ni Odalie ang nasa kanyang isip. "It's a secret. And I intend that to keep it that way." Sagot nito na lalong nagpalalim sa gitla ng kanilang mga nakanunot na noo. Nagkatinginan na lamang sila ni Odalie kapagkuwan ay nanahimik na lang dahil mukhang wala naman silang mapapala kung iintrigahin pa lalo ang bodyguard kuno ni Juanczo. Ibinalik na lang muli ni Odalie ang pagkalikot sa cellphone nito na panaka-nakang sumusulyap pa rin kay Sylvester. Siya naman ay inabala na lang ang sarili sa pagmamasid sa nadadaanan nilang paligid. Nang makarating na sila sa isang restaurant ay sinabihan lang siya ni Sylvester na tumuloy na lang sa loob at sabihing may reservation siya kasama si Juanczo. Nagpasalamat muna siya rito bago nito muling pinasibad ang sasakyan nito at si Odalie naman ang ihahatid. Buti na lamang at maganda-ganda pa ang kaniyang ayos dahil hindi na siya nagbihis pagkatapos ng kanilang interview kanina. Gosh! Hindi man lang nagsabi si Juanczo na may balak palang makipag-date. Hindi man lang ako nakapag-prepare!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD