Stevie's
Bumubuhos ang emosyon sa libing ng Lola Emily ni Stevie. Nakikisabay pa ang bahagyang pagpatak ng ulan sa may kadiliman na kalangitan.
Sumasabay ang pag-agos ng kanyang mga luha sa marahang pagpatak ng ulan sa lupa. Ang kanyang buong pamilya at iba pang kamag-anak ay wala ring tigil sa pagpalahaw ng iyak simula pa kanina bago idala sa simenteryo ang yumao niyang abuela.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at nawala siya sa gitna ng mga ambon. Lumingon siya sa kanyang tabi na may hawak ng puting payong na nagbigay sa kanya ng pansamantalang silong.
Sa gitna ng pagdadalamhating nararamdaman ay bahagya siya nagulat ng makita kung sino ang taong iyon. It's Mayor Juanczo Vergara!
Now her grieving heart is beating erratically at the same time just by seeing the presence of this beautiful man beside her.
Napakarami talagang kayang iparamdam sa kanya ng taong 'to sa tuwing magkakalapit sila.
Good thing that she's a wearing a black sunglasses kaya hindi nito nakita ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat.
Kapagkuwan ay may nakikisimpatyang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
"Nakikiramay ako sa pamilya niyo Stev." He said with sympathy on his voice. And it's soothing her inner being that giving chills inside her. Parang kayang-kaya noong burahin lahat ng nararamdman niyang kalungkutan at pagdadalamhati. Then she wiped her tears after she moved her shades up before giving him a weak smile.
"Thanks, Juanczo. And thank you for coming." Malumanay niyang sabi dito habang nakatingin sa kabaong ng kanyang Lola Emily na unti-unti ng ibinababa sa hukay.
Napasinghot na naman siya nagbabanta na namang pagpatak ng kanyang luha sa nakikitang eksena sa kanyang harapan.
"Don't mention it. Your grandmother used to be the major contributor in our past charitable works. She and your grandpa. They're one of the good people na nakilala ko." Rinig niyang sabi ni Juanczo sa kanyang tabi at masuyong hinawakan ang kanyang siko ng makita siyang sumisinghot-singhot na naman.
Sa ginawa nito ay lalo tuloy siyang napaiyak at tuluyan na namang napahagulgol dahilan upang yapusin siya palapit ni Juanczo rito.
Napayakap na rin siya sa katabi sa panlalambot ng kanyang tuhod na nararamdaman. Hindi niya mawari kung dahil ba sa pagdadalamhati niya o sa pagkakayapos sa kanya ni Juanczo kung bakit siya nanlalambot. Na kung tutuusin ay hindi naman ginagawa ng mga taong kakikilala lang. Kung titingnan sila ngayon sa kanilang ayos ay aakalaing may relasyon sila.
But she doesn't mind at all. Basta ang alam niya napakasarap sa pakiramdam na nakapaloob sa matitipuno nitong dibdib na dahilan upang masamyo niya ang mabangong amoy ng lalaki.
[Ninja moves level 9999 hahaha]
Nang humupa na ang nararamdamang emosyon ni Stevie ay napipilitan pa siyang kumalas mula sa pagkakayap ni Juanczo sa kanya.
"S-sorry nabasa ko ng luha yang damit mo." Saad niya rito ng makita ang nabasa nitong damit.
"It's fine. Willing akong maging iyakan mo anytime." Masuyong saad rin nito sa kanya while tucking her spilled hair on her face at the back of her ear while intently looking at her.
Parang huminto na naman ang galaw ng paligid sa ginawi ni Juanczo. Parang may mga paru-paro na namang nagliliparan sa loob ng kanyang sikmura sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. And at the same time ay kinikilig siya sa di malamang kadahilanan.
Damn, girl! You're supposed to be grieving at this moment. Saka na ang landi Stevie!.
Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid sa kanya ng lalaking nakangiti pa ring nakatitig sa kanya na animo isa siyang napakagandang bagay sa paningin nito.
Bigla tuloy siyang na-conscious sa kanyang ayos. Wala kasi siyang inilagay na kahit ano man lang sa kanyang mukha maliban lang sa lip balm sa kanyang mga labi dahil nanunuyot iyon kanina. Nakagat niya tuloy ng wala sa oras ang kanyang lower lip sa isiping baka nanunuyot na naman iyon at nakita ni Juanczo.
Then suddenly a familiar voice interfere in their current momentum. Lumingon siya para tignan ito.
"Aheermmm!" It was her Dad. Manuel Alonzo, na may hawak ring puting payong at seryoso ang mga tingin nito kay Juanczo. Kasukob nito sa payong ang kanyang ina na agad namang ngumiti sa kanyang katabi.
Sigurado siyang nakita ng mga ito ang paraan ng pagkakayakap nila sa isa't-isa kanina sapagkat magkakatabi lamang sila sa harapang bahagi ng puntod.
Agad namang nagbigay-galang ang butihing Mayor sa kanyang mga magulang.
"Oh. Hello po sa inyo. My condolences to your family Tita Amy. Ipinaabot rin po nila Daddy ang kanilang pakikiramay sa inyo. Hindi lang po siya naka-attend dahil may mga nauna na siyang important commitments today." Bungad nito sa kanyang mga magulang na kausap ang kanyang ina bago nakipagkamay naman sa kanyang Daddy. "Nice to meet you, Sir." Saad nito habang nakikipagkamay sa kanyang ama.
Ang daddy naman niya ay mariin pa ring sinusuri ito ng tingin. Napansin naman ng kanya Mommy ang ginawa ng daddy niya kaya nagsalita na ito.
"Sweetheart, he's the only son of Congressman Juanito Vergara Sr. of Aurora province. Na-meet na natin siya hindi ba? And this Juanczo here is a proud Mayor at Dingalan, Aurora. " Masuyong pakilala ng kanyang ina kay Juanczo sa kanyang ama na may nanunuri pa ring tingin sa kasukob niya sa payong habang si Juanczo naman ay tahimik lamang na nakangiti sa kaniyang magulang.
"Nice to meet you too, Mayor." Sa wakas ay nginitian na rin ito ng Daddy niya. He heaved a sigh because of that. "Anyways, Stevie sasabay ka ba ulit sa'min o may iba ka ng sasabayan pauwi?" Dugtong pa ng kanyang ama na may bahid panunudyo sa tingin at tinig. Namula tuloy bigla ang kanyang mga pisngi dahil doon. Nang mapatingin siya kay Juanczo ay malapad na ang pagkakangiti nito. He seems enjoying the current situation. At ng tumingin rin ito sa kanya ay nag-iwas agad siya ng tingin at sinagot ang kanyang ama.
"Of course sasabay ako sa inyo, Dad---
"I would love that idea, Sir---
Sabay nilang sagot kay Manuel na ikinatawa ng huli.
"You know what? Maybe it's a good idea na si Juanczo na lang ang maghatid sa'yo, anak. Ang alam ko kasi sasabay sa'min ang mga pinsan mo so masikip na para sa ating lahat ang sasakyan. Right sweetheart?" Singit na naman ng mommy niya na halatang may binabalak sa uri ng mga tingin nito. Napailing na lamang siya ng mabilis na pumayag ang kanyang Daddy.
Lihim naman siyang nagbunyi dahil roon. Ang kire lang! You're on a freaking funeral of your grandmother! For heaven's sake, Stevie! Lihim din naman niyang kastigo sa kanyang sarili.
Tumingin siya kay Juanczo upang siguraduhin sa itsura nito na hindi lang ba ito napipilitan na ihatid siya. Kung tutuusin kasi ay hindi pa naman sila close. Eto pa nga lang ang pangalawang beses nilang pagkikita. And yet she feels that he knew Juanczo for so long now.
Mukhang si Juanczo na nga ang soulmate niya na pupuno sa kakulangan na hinanap niya sa kanyang pagkatao.
"It's okay, Juanczo. Baka may importante ka pang lalakarin." Nahihiya niyang sabi rito. Hindi man ito kinakabakasan ng disgusto sa suhestiyon ng kanyang magulang, ngunit hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng hiya sapagkat halatang-halata sa kanyang mga magulang na itinutulak talaga siya ng mga ito papalapit sa binata.
"No, it's totally fine, Stev. I already made this day free dahil nga a-attend ako sa funeral ng Lola Emily mo. And besides, bukas pa naman ang balik ko sa Aurora." Nakangiti pa ring sagot nito sa kanya kaya nagmistula na naman siyang naengkanto sa pagtitig sa gwapong mukha nito. Those perfect white teeth. Ugh! At bahagya niya pang nalalanghap ang mabangong hininga nito na kaysarap amuy-amuyin. His breath has minty like scent and she's not sure if it's natural or what. Basta gustong-gusto niya ang amoy noon.
"Yon naman pala, anak." Putol ng kanyang ina sa mga iniisip niya. "Ikaw na bahala sa anak ko ha, Juanczo hijo. Mauuna na kami at gusto ko na ring makapagpahinga." Baling naman nito sa binata na ngayon ay nasa kanyang likod na ang kaliwang kamay.
Bahagya pa siya mapaigtad sa gesture na yon ni Juanczo ng maramdaman na naman ang init ng katawan nito. Halos magkadikit na magkadikit na naman kasi sila. But she knew he's just being a gentleman. Kaya para sa kanya walang malisya yon.
"No problem, Tita. Ihahatid ko po ang anak niyo ng buong-buo." Ganting birong tugon naman ni Juanczo sa mommy niya.
"You better be, hijo. Or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Sabi naman ng kanyang ama na seryosong na namang nakatingin kay Juanczo.
Naramdaman niyang bahagyang natigilan ang katabi sa sinabi ng kanyang daddy.
"Dad!" Saway niya rito at bahagya pang pinanlakihan ng mata.
Kapagkuwan naman ay mahinang tumawa ang kanyang ama palatandaang nagbibiro lamang ito.
"Of course I'm just joking." Naaaliw na turan muli ni Manuel sa kanila.
Muli niyang binalingan si Juanczo na halatang nakahinga na ng maluwag sa sinabi ng kanyang ama.
"Let's go, sweetheart. I think I really need to drink paracetamol. My head is aching." Yakag na ng kanyang ina sa daddy niya. Nag-alala naman siya sa narinig.
"Make sure you do mom. Kanina pa nga kita napapansin na hinihilot ang sintido mo." Aniya sa ina.
"Opo, mahal na prinsesa. Kaya tayo na at baka naiinip na sa sasakyan ang mga pinsan mo." Aning biro ni Ameelia sa anak at lumapit ito sa kapatid na si Almeera na nasa tabi pa rin ng puntod ng kanyang abuela para magpaalam.
Lumapit na rin siya sa mga ito at nagpaalam na rin. Tumila na rin naman ang ambon na waring sumabay lang talaga sa mga luha nila kanina.
"Let's go?" Ayang patanong ni Juanczo matapos siyang makabalik sa tabi nito. Tumango na lamang at ngumiti siya ng tipid bilang tugon dito.
Kapagkuwan ay iginiya na siya ng kasama papunta sa nakaparadang matte black Jaguar XJ Sentinel nito sa di kalayuan matapos muling magpaalam sa kaniyang mga magulang.
Nahulaan niyang kay Juanczo iyon dahil namukhaan niya ang bodyguard na seryosong nagmamasid sa paligid. Ito kasi ang nakita niyang kasama ni Juanczo noong nakaraan sa DK Arena.
Ngayon lamang niya napansin na gwapo rin ang naturang bodyguard. Pero may katapangan nga lang ang dating dahil na rin siguro sa uri ng trabaho nito. Matikas din ang pangangatawan nito na hindi rin papahuli sa machong katabi niya. Mas lamang lang si Juanczo ng kagwapuhan rito. Well, yon ang opinyon niya.
Ipinagbukas sila nito ng pintuan sa back seat at pinauna siya sumakay ni Juanczo bago nito isinara muli ang pintuan ng sasakyan at umikot sa kabilang bahagi at tumabi sa kinauupuan niya.
Namangha siya sa loob ng sasakyan nito. She knew already that Juanczo can afford this kind of luxurious cars, but his car is not a typical one by the interior looks of it. It has different customized security devices inside.
"I'm pretty sure this is armored." Bungad niya kay Juanczo ng makaayos na ito ng upo sa kanyang tabi. Isinara muna nito ang pintuan sa gawi nito bago siya sinagot.
"Kailangan eh. You know, for some security purposes. And as for politicians like me. Kahit na nga ba gaano ka pa tapat na maglilingkod, may mga tao pa rin na gusto kang pabagsakin." Pa-humble na saad nito.
"San tayo, Mayor?" Singit ng baritonong tinig ng driver c*m bodyguard ni Juanczo sa kanilang usapan.
Ngayon niya nasiguro na hindi talaga ito basta-bastang bodyguard lamang dahil kung ordinaryong utusan lamang ito ay hindi ito basta-basta sisingit sa kanilang usapan.
Lumingon muna sa kanya si Juanczo para tangungin siya.
"Ahm do you want us to take you home now o.. baka gusto mo munang samahan kita na.. maybe to have a cup of coffee in a coffee shop? Ahm alam mo kase I love drinking coffee during rainy days." Nahihiyang imbita nito sa kanya.
At sino ba siya para tanggihan ang gwapong Mayor na ito kaya mabilis siyang pumayag rito na magkape muna.
Napansin niyang nag-ning-ning ang mga nito ng tumango siya pumayag sa suhestiyon nito. Bigla tuloy pumasok sa isip niya ang sinabi ng mommy niya dati na pakiramdam nito ay pareho sila ni Juanczo ng nararamdaman sa isa't-isa sa unang pagkikita nila.
"Drive us to the nearest Starbucks then, Sylvester." Nakangiting baling nito sa gwapong bodyguard na kapagkuwan ay pinasibad na ang kanilang sasakyan palabas ng cemetery.
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanila na kanyang ikinailang. Dumagdag pa ang maya't-mayang pagtitig ni Juanczo sa kanya. Kaya naisip niyang ibaba na lang muli ang suot niyang sunglasses na nasa kanyang ulo para takpan ang namumugto niya pang mga mata.
Kanina pa rin kasi siya naco conscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kahit na nga sanay naman na siyang ibandera ang kanyang mukha sa publiko. Pero kapag kasi si Juanczo na ang tumitingin sa kanya talagang naiilang siya. Nakakahiya kasing wala na nga siyang make-up eh namamaga pa ang mata niya.
"Hindi ka pa ba nagbubukas ng mga social media accounts mo?" Basag ni Juanczo sa katahimikang namagitan at ipinagtaka niya ang tanong na iyon.
"Why did you ask?" Kunot-noong tanong niya ngunit nakangiti pa rin.
Kakamot-kamot naman sa batok na sumagot ito.
"Ahm I followed you on your i********: and Twitter kase." Medyo nahihiya pang saad nito na ikinatuwa niya. Ay mali pala. Na ikinakilig niya.
"You did?" Namamanghang tanong niya rito. Hindi kasi niya akalaing may time pa pala itong mag IG at Twitter aside kasi sa una niyang impression dito na may pagkasuplado ito ay alam rin kasi niyang sa uri ng trabaho nito ay malamang wala na itong oras para sa mga ganoong bagay. But to her surprised, he actually have social media accounts.
"Yeah, actually after our short encounter at DK Arena, I don't know what's happening to me that I got interested with you. I don't know, maybe because we have the same advocacy. Simula kasi nung makita kita, I'm always confused for no reason." Hayag ng binata sabay buga ng hangin sa ere at halatang hindi naging komportable sa pagsasalita dahil hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Siya naman ay abot-abot na ang kilig na nadarama. So tama nga ang kanyang ina na parehas sila ng nararamdaman nito. Gusto sana niyang sabihing "well, the feeling is mutual, Juanczo" pero nag-aalangan siya kaya sa halip na isatinig iyon ay kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at binuksan ang IG niya.
"Hindi ko na kasi masiyadong inabala ang sarili ko sa pag-c-cellphone. Naging busy din kasi kami sa pag-asikaso sa lamay ni Lola Emily." Saad niya na lang habang finallow back na rin ang lalaki sa IG.
Mabilis din niya binisita ang profile at mga ilang posts nito. A typical public servant. Yon lang ang masasabi niya sa mga nakitang larawan sa IG nito.
Pulos charitable works at mga politican engagement lang kasi ang laman niyon.
Dumukwang si Juanczo palapit sa kanya para tignan kung ano ang ginagawa niya. Nagdulot tuloy iyon ng libo-libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan dahil magkalapit na magkalapit lamang ang kanilang mga mukha.
"Stalker." Sabi nito sabay pisil pa sa kanyang ilong.
"If I know mas nauna ka pang nang-stalk Mayor." Birong ganti na lamang niya para alisin ang tensiyong nadarama niya sa simpleng pagkakadikit lamang ng kanilang mga katawan.
Gaaad! Bakit ganito na lang ang epekto mo sakin, Juanczo? And it's dangerous! Hindi naman ako dating ganto.
----- ------- --------
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa isang Starbucks at iginiya na siya ni Juanczo patungo roon.
Matapos nilang makuha ang kanilang mga order ay umupo sila sa medyo sulok kung saan hindi masiyadong inuukopa ng mga tao. Gusto raw kasi nito ng medyo tahimik na lugar na sinang-ayunan naman niya.
Kung titignan ay para na silang magkasintahan na nagde-date. How I wish. Bulong ng malanding isip ni Stevie.
Hindi niya alam kung ano ang ibubungad na salita sa kay Juanczo kaya kinuha na lamang niya ang kanyang inorder na kape at marahang sinimsim iyon.
Si Juanczo naman ay abala rin sa kape nito habang nagce-cellphone.
Napatingin siya sa sariling cellphone na nasa ibabaw ng kanilang lamesa ng tumunog ang notification niya sa i********:. And it says Juanczo just tagged him in a post.
Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka at tinapunan ng tingin ang binata na nakangiti na ring nakatingin sa kanya habang sumisimsim ng kape nito.
Agad niyang binuksan ang kanyang notification at bigla ang pagsalakay ng kilig sa kanyang puso ng mabasa at makita ang post nito.
It is her beautiful angle of stolen shot while sipping her coffee. And the caption says "Here at my favorite coffee shop with my favorite girl" with matching coffee emoji and a heart emoji na siyang nagpatalon sa kanyang puso mula sa kinalalagyan nito. Kasabay rin noon ang bahagyang pag-iinit ng kanyang mukha mula sa nabasa. What is he supposed to mean in this post?
May sinusupil na ngiti si Juanczo ng muli niyang balingan ito.
"I hope you don't mind." Tukoy nito sa pinost nito sa i********:.
"No. I don't mind that at all. It's just that I'm starting to get confused also." Saad niya rito.
"Don't be." Sabi naman nito sabay gagap sa kamay niyang nakapatong sa lamesa na ikinabigla niya ng husto. Ramdam na ramdam kasi niya ang mainit nitong palad na sumakop sa isa niyang kamay. "Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina. I'm getting confused also, Stev. This is the first that I felt like this for a girl."
Omg! Is he going to propose? Eh kakikilala pa lang namin halos. And what am I supposed to answer kung ganoon nga? Dammit heart! You're really in danger now.
Napakalakas ng t***k ng kanyang puso habang pinapakinggan ang iba pa nitong sinasabi. Parang nananadya pa ang sumunod na nag-play na background music sa loob ng naturang coffee shop na animoy alam ang kasalukuyan niyang nararamdaman.
?
What do you do when your heart starts racing?
And your mind don't control what it thinks at times
In the clouds and it feels like heaven
While you're here and you know you'll be just fine
'Fore you know it you're intoxicated
Fall asleep to a kiss it tastes like wine
But even dreaming know you can't escape it
Once it's over and you can't wait to press rewind
And I guess it's just how it goes
And I hope I'm not alone
'Cause I think I'm falling in love
I think I'm falling in
I think I'm falling in love
I guess I'm falling in love
I think I'm falling in
I must be falling in love
****
Song title:
Falling In Love by Dennis Kruissen