Juanczo's
Ten thirty in the evening at binabagtas pa rin ni Juanczo ang kahabaan ng Gabaldon-Dingalan road. Galing siya sa katatapos lamang na conference meeting sa Palayan City Convention Hall kasama ang iba pang Mayor sa mga kalapit bayan para pag-usapan ang mga upcoming projects para sa kanilang mga distrito.
Hindi na siya nagsama ng mga driver-bodyguards sapagkat safe naman ang kanyang pupuntahan at mga dadaanan. Isang tahimik na bayan kasi ang Nueva Ecija na katabing-katabi lamang ng kanyang bayang pinamumunuan.
While driving he heard his expensive smartphone rang and it was William who is calling. He immediately press the button of his bluetooth earphone and answer the call.
"May problema ba sa DK, Alonzo?" Agad niyang tanong dito.
- everything's well VP. Magpapaalam lang sana ako na hindi ako makapag-duty bukas -
Nangunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Ngayon pa lamang kasi ito nagpaalam na liliban sa duty nito.
"Why? If it's really important I can call Steven Lo para siya na muna ang pumalit sa'yo. I know he's free now." Tukoy niya sa TV host na member na rin ng Dark Knights Riding Club.
- I already told him VP but we need your approval of course. -
"No problem, Willy. Alam ko naman hindi lang sa DK umiikot ang mundo nating lahat. By the way, saan ka nga ba pupunta para alam ko na din kung saan ka hahanapin kung sakali?"
- ahm my cousin Stevie asked me to manage her club in BGC for a while because her grandmother from Tita Ameelia just past away. Her Lola Emily.-
Natapakan niya ang preno sa sinabi ng kausap. Kilala niya ang tinutukoy na Lola Emily ni Stevie. Emily Panganiban.
Ilang beses na rin niya itong nakadaupang-palad sa ilang charity works na dinaluhan niya. Kilala rin ito bilang isang mabait at matulunging tao lalo na sa mahihirap.
And thinking her granddaughter feeling sad about Emily's death made him feel like he wanted to hug Stevie and comfort her.
To think na ilang sandali lang naman ang kanilang naging pag-uusap ngunit napakalaki na ng impact ni Stevie sa kanya.
- 'you still there VP?-
Untag ni William sa pananahimik niya.
"Ah yes, yes. Please extend my condolences to your cousin's family."
- yeah of course, I will. Thanks bro."
"Pakisabi na rin kay Tita Ameelia and Stevie na susubukan kong maka-attend sa funeral." Sabi niya sa kausap. Hindi niya alam pero parang may nagtutulak talaga sa kanya na puntahan si Stevie at makita ito para personal na makiramay.
-yeah sure. I'll just text you the details kung kelan at saan ang funeral. Hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa burol coz I have to go at Stev's club."
"Alright, Alonzo. Bye."
At tinapos na niya ang tawag dito.
Napabuntung-hininga siya ng malalim sa pagod na nararamdaman mula maghapong tuloy-tuloy na appointments and meetings niya. Parang gusto na tuloy niyang magsisi at hindi siya nagsama ng driver man lang.
Pinaandar na niya muli ang sasakyan at muling nagbyahe pauwi ng Aurora.
Ilang minuto na lang din naman ang layo niya sa Dingalan at sa wakas ay makapagpapahinga na siya.
Minsan ay hindi na niya rin alam kung ano ang uunahin niya sa dami ng commitments niya. Pero mas pinapriority niya pa rin ang buhay pulitika niya.
He wanted to run for a higher position para mas lalo siyang makapaglingkod sa mga nangangailangan ng tulong. He's too ambitious that he even forget how to live a normal life that he used to have before he run for Mayor in their town.
Pati nga ang pagkakaroon ng girlfriend ay wala sa list of priorities niya. Well, he used to date girls and have flings but that was just it. No strings attached. Lalaki lang din naman siya at may pangangailangang pisikal kaya paminsan-minsan ay pinagbibigyan niya pa rin ang init ng kanyang katawan sa mga babaeng willing magpagamit sa kanya.
Pero iniingatan pa din niya ang kanyang image as a public servant kaya naman pili lang ang kanyang mga dinedate na babae. Daughters of businessmen or politicians. Mga ganoon lang uri ng mga babae.
Ngunit dahil na rin sa uri ng trabaho niya at pagiging hot tempered, hindi nagtatagal ang mga babaeng nai-involve sa buhay niya na madalas lang din naman niya ipagkibit-balikat.
Speaking of women, bigla na naman pumasok sa isip niya ang pinsan ni William na si Stevie. Nagtataka siya sa sarili kung bakit hindi niya maalis-alis sa kanyang isip ito simula ng makita niya ito sa DKRC. He even followed her on her social media accounts and stalk her there afterwards. Kaya mas lalong dumami ang alam niya rito.
There is really something about her that captured him instantly. Maybe it's her beautiful eyes that is captivating to his inner soul or the features of her beautiful face and sexy body like a goddess na kahit tinitignan lamang niya ito ay may kung anong kakaibang damdamin na nabubuhay sa kaibuturan ng kanyang puso.
Damn! Tinamaan na yata ako ng sinasabi nilang love at first sight.
He smiled widely with that thought. Hindi na rin naman masama kung maiinlove nga siya kay Stevie Doré.
---- ------ ------ ------
Mainit ang ulo ni Juanczo kinabukasan dahil na-late na naman ang bigay ng hinihingi niyang report patungkol sa latest project niya para sa bayan ng Dingalan.
Isa iyong public hospital na para sa mga mahihirap nilang kababayan na hindi afford ang magpunta pa sa malayong hospital para magpagamot.
Napakalayo kasi ng mga hospital sa kanilang lugar. Nasa Cabanatuan City, Nueva Ecija pa ang pinakamalapit ngunit aabot ng halos tatlong oras bago makarating dito.
Kaya naman naisip na niyang magtayo na sarili nilang public hospital nang sa gayon ay mas mapapalapit na ang tulong medikal ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat ay makakatulong din ito sa mga kalapit nilang bayan na wala ring sariling hospital at kailangan pang tumakbo sa Cabanatuan City.
Marami naman gustong mag-sponsors sa kaniyang bagong project lalo na ang mga members na DKRC. Kasama rin dito ang kinita nila sa silent auction na ginanap sa DK Arena.
Good thing nauna na ring magsabi ang isa pang member ng DKRC na si Argel Quizon na kaibigan nila ng pinsan niyang si Jazon Chan.
Ang pamilya ni Argel ang nagmamay-ari ng Quizon Medical Center na isang private hospital sa Makati City. Tutulong daw ito sa kahit anu mang paraan na kakailanganin niya para madaling matapos ang kanyang proyekto.
Malaki-laki ang kakailanganin nilang budget para sa public hospital na kanilang ipinapatayo. Mabuti na lang din at katuwang niya ang ama niyang Congressman sa pag-aasikaso noon.
Sa totoo lang ay kaya naman niyang magpatayo ng kahit ilang hospital dahil na rin sa di makakailang yaman ng kanyang pamilya.
Sa katunayan nga ay sixty percent na ng nagagastos sa pagpapatayo ng naturang hospital ay galing mismo sa bulsa niya.
Ngunit gusto rin niya kasing turuan ang mga tao na katulad niyang nakakaangat sa pamumuhay na maging mapagbigay para sa mga nangangailangan na idinadaan niya naman sa pagbuo ng mga fundraising events.
Juanczo has a big heart for public service and his people. Bata pa lamang siya ay sumasama na siya sa mga charity works ng kanyang pamilya.
Kilala rin kasing angkan ng mga pulitiko ang mga Vergara sa Aurora at Nueva Ecija. Kilala rin sila sa tapat na paglilingkod sa bayan at may mga mabubuting puso para sa mga nangangailangan.
Iba't-ibang projects na rin ang naipatayo ng mga nagdaang henerasyon ng Vergara sa bayan ng Aurora. Public schools, covered courts, maayos na public markets, water system, hydro power plant at kung ano-ano pang proyekto na maaaring makatulong sa kanilang mga kababayan.
Namulat siya sa ganoong uri ng paglilingkod sa bayan that's why he studied Bachelor of Arts in Political Science in law school para mas lalong lumawak ang kanyang kaalaman patungkol sa maayos na paglilingkod sa bayan at pagiging isang mabuting pulitiko. Gusto rin niyang maiba ang tingin ng mga tao sa mga katulad niyang public servant. Dahil hindi rin naman lingid sa kaalaman niya ang maduming takbo ng pulitika sa bansang Pilipinas.
Nag-iisa lamang siyang anak ng kanyang mga magulang kaya naman ginagawa rin niya lahat parang maging proud ang mga ito sa kanya.
Ngunit may mga pagkakataon talagang nawawala ang soft-hearted side niya sa tuwing umiinit ang ulo niya at napapalitan iyon ng nakakatakot at mabagsik na Mayor.
"Hindi ba sinabi ko na sa'yong kailangan ko ang mga reports na ito first thing in the morning ha Lucilla!?" Pagalit niya bulyaw sa kanyang sekretarya na halata ang panginginig sa takot sa kanya.
Kilala kasi siyang hot tempered ng mga tao sa munisipyo lalo na kapag hindi natutupad ang mga inuutos niya sa tamang oras na kanyang itinakda.
Mabilis talagang uminit ang ulo niya lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
"You know how important this project to us right, Lucilla? I can't believed that you could be this incompetent!" Dagdag na naman niyang sermon. Nabalitaan pa kasi niyang nagkayayaan mag-inuman ang mga ito kahapon habang wala siya kaya naman hindi agad nito natapos ng maaga ang report na kailangan niya.
Kaya ang kawawang sekretarya ay wala na lang magawa kundi pakinggan at tanggapin ang sermon niya habang maluha-luha ng nakayuko.
"I-I'm sorry, Mayor. I-I promise this won't happen a-again." Sa nanginginig na boses na sagot nito sa kanya.
"Don't promise, Lucilla! You know how I hate promises! Wala akong pakielam kahit maglasing pa kayo magdamg! Just do your job properly at wala tayong magiging problema." Sabi niya ritong pinapahinahon na ang kanyang sarili habang umuupo sa kanyang swivel chair. "You can leave now." Utos niya rito at sinimulan ng basahin ang naturang report na nasa kanyang harapan. Ayaw rin naman niyang tuluyan ng masindak sa kanya si Lucilla kaya pilit niyang pinahinahon ang sarili.
Hindi na niya pinansin ang pagbukas at pagsara ng kanyang Mayor's office palatandaang nakalabas na ang sekretarya at inabala na lang ang sarili sa pagsusuri mga papeles na hawak.
Ilang minuto lang ang lumipas at tumunog ang telepono sa ibabaw ng kanyang office table.
Padaskol niyang dinampot ang awditibo at sinagot ang tawag.
"What is it again, Lucilla?" Iritadong tanong niya sa kanyang sekretarya.
-i'm sorry to interrupt you Mayor, but Mr. Klyde Klatten is in line two right now and he said he wants to talk to you.-
Tukoy nito sa best friend and business partner niya na Presidente ng DKRC.
Marahas siyang napabuntung-hininga at pinindot ang telepono kung nasaang linya ang kaibigan.
"To whom I awe this call from you Mr. President?" Walang buhay niyang bungad dito.
-I missed you too, bud.-
Balik naman nitong pang-aasar sa kabilang linya.
"I'm busy. Kaya kung may sasabihin ka, you better spill it now."
- wala na bang ilalamig pa ang treatment mo na yan sa best friend mo ha?-
Kahit hindi niya nakikita ang kausap ay alam niyang nakangisi ito sa kabilang linya. Mahusay din kasi itong manira ng araw. Palagi pang missing in action. Kaya napupunta lagi sa kanya ang mga dapat na responsibilidad nito sa DKRC.
He needs to fly back and forth from Aurora to Zambales para lang asikasuhin ang negosyo nila. Kaya madalas ay mainit ang ulo niya dahil na rin sa nararamdamang pagod.
Kahit naman may mga members ang club na may kanya-kanyang toka sa DKRC ay kailangan pa rin ng presensiya nilang may-ari roon para sa mga ilang importanteng bagay at desisyon.
"Tang-ina mo ka Klatten! Wag mo kong simulan at kanina pa mainit ang ulo ko!"
- hahaha! Halata nga, bud. Anyways, I just want to ask if you want to go at Mrs. Panganiban's funeral on Thursday. You know, she and her husband is one of our major sponsors in some of our charity events. So we must at least pay respect on her funeral.-
Nawala agad ang inis na nararamdaman niya sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. Nalimutan na rin pala niya ang tungkol sa pagpunta sa funeral ng yumaong Ginang.
Bigla na naman tuloy niyang naalala ang magandang mukha ng apo nitong si Stevie. And all of a sudden nawala ang init ng ulo niya.
Why is it everytime he will think about her, everything will go smoothly for him. Bigla tuloy siya naexcite sa isiping makikita na naman niyang muli si Stevie.
"Yeah, I'll go with you." Naalala nga pala niyang tinext na rin ni William kanina ang details sa burial ng Ginang. Sadyang nawala na lang sa isip niya iyon ng magsimula na siyang maging busy sa munisipyo.
-great! Pano, magkita na lang tayo sa HC Tower on Thursday and sabay-sabay na tayo nila Jazon magpunta sa funeral.-
Tukoy nito sa kanyang pinsan na nagmamay-ari ng Herrera-Chan Group of Companies. Pinsang buo niya ito na anak ng kakambal ng Mommy niya.
Kakakasal lamang nito sa asawang si Margaux Sy at siya ang officiating Mayor na nagkasal sa mga ito na ginanap din sa Dingalan, Aurora.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya para sa kanyang pinsan dahil sa wakas ay nagka-asawa na ito. Ngunit hindi niya gusto ang naging dahilan nito ng pagpapakasal.
Nangako siya sa sariling magpapakasal lamang siya sa taong mahal na mahal niya at hindi tutulad sa kanyang pinsan na nagpakasal lang dahil sa mana at permanenteng posisyon sa kompanya ng mga ito.
***
mababasa niyo po ang love story ni Jazon Chan at Margaux Sy sa first ever completed story ko entitled Victims Of Love. Make sure you read that also ha. Thanks guys ♥️ happy reading ?
***
"Yup. See you on Thursday,bud".
Pagtatapos niya sa tawag ng kaibigan at ipinagpatuloy na ang pagbabasa sa report na hawak sa magaan ng pakiramdam dahil kay Stevie...
Pero duda siyang sisipot nga ang kanyang kaibigan sa kanilang usapan. Malamang ay gagawin lang siya nitong representative ng DKRC kaya siya tinawagan.
***
Excited na ba kayo sa muling pagkikita nina Juanczo at Stevie? ? Eto ang sneak peak sa next chapter kung ganon?♥️
•••••
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at nawala siya sa gitna ng mga ambon. Lumingon siya sa kanyang tabi na may hawak ng puting payong na nagbigay sa kanya ng pansamantalang silong.
Sa gitna ng pagdadalamhating nararamdaman ay bahagya siya nagulat ng makita kung sino ang taong iyon. It's Mayor Juanczo Vergara!
••••