Stevie's
Hindi natuloy ang naging plano ng ina ni Stevie na mag-stay pa sa DKRC sapagkat ilang minuto matapos nilang makapasok sa kanilang silid sa DK Hotel ay nakatanggap sila ng masamang balita na isinugod na naman umano sa hospital ang Lola Emily niya na nanay ng Mommy niya.
Pangalawang atake na iyon ng kanyang Lola ngayong buwan at alam nilang delikado ang sitwasyon nito. Kaya naman hindi na sila nagdalawang-isip pa na bumalik pauwi sa Manila para puntahan ito.
Abot-abot ang dasal nilang mag-ina habang bumabyahe sapagkat ang huling balita sa kanila ng Tita Almeera niya na kapatid ng kanyang ina ay hindi pa rin daw gumigising ang kanyang abuela.
Ilang oras din ang binaybay nila sa daan bago makarating sa Quizon Medical Center sa Makati City kung nasaan ang kanyang Lola Emily.
Nang makarating sila roon ay lakad-takbo nilang tinungo ang ICU na kinaroroonan ng huli. Naabutan nila sa labas ang Tita Almeera niya at ang asawa nitong si Dominico Russel.
"I'm glad you're finally here. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ameelia." Emosyonal na salubong sa kanila ni Almeera at niyakap ang kanyang ina. Siya naman ay nakiyakap rin sa mga ito at binigyan ng matamlay na ngiti si Dominico bilang pagbati.
Halatang galing sa pag-iyak ang kanyang Tita sapagkat bakas sa mga mata nito ang pamamaga noon.
"How is she?" Naluluha ng sambit ng kanyang ina. Pilit niyang pinapatatag ang sarili sapagkat ayaw niyang magpakita ng kahinaan ngayon sa harap ng kanyang pamilya.
Hanggat maaari ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob para sa mga ito at hindi makakatulong sa sitwasyon kung pati siya ay magbe-breakdown.
"S-she's in coma, Amy. And the doctor said only miracle can help her this time." Lumuluha ng pahayag ng Tita Almeera niya. Napasinghap silang mag-ina sa narinig. Napakapit ng mahigpit sa kanyang braso ang mommy niya at tila doon kumukuha ng lakas. Inalalayan naman niya ito at hinawakan rin sa kamay.
"C-can we see her Tita?" She asked while composing herself not to burst into tears of what her Tita said.
Mahal na mahal niya ang kanyang abuela. Para na rin itong tumayong ina para sa kanya sapagkat sa bahay ng mga Lolo't Lola siya naglalagi tuwing naiiwan siya ng kanyang mga magulang para sa business trip ng mga ito.
Sa Lola Emily nila namana ng kanyang Mommy ang husay nila sa pagsasayaw. Isa rin kasi itong sikat na mananayaw noong kapanahunan pa nito.
Nanariwa na naman sa kanyang ala-ala ang pagpanaw ng Lolo Miguel niya na halos isang taon pa lamang din ang nakakaraan. Asawa ito ng Lola Emily niya. It was the most heartbreaking moment of their lives. Kaya naman sobrang sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ng ganito ang kanyang ina at tita sapagkat nanganganib na naman mawalan ang mga ito ng magulang.
"Of course. I will just talk to the nurse in-charge for Mommy Emily." Sagot naman ni Dominico sa kanya at mabilis na lumapit sa nurse station.
Pagbalik nito ay may dala-dala na itong dalawang pares ng physician's attire na hospital gowns and hair covers. Agad nitong iniabot ang mga iyon sa kanilang dalawa ng kaniyang mommy.
"Limited only for two persons ang pwedeng makapasok ng sabay sa loob kaya kayo na lang muna." Saad ni Dominico sa kanila at tinabihan muli ang kanyang Tita Almeera sa upuan na wala pa ring tigil sa pag-iyak.
"Thanks Tito Dom." Nagpasalamat muna siya rito bago sinimulang isuot ang physician's attire sa katawan.
Kapagkuwan ay tinulungan naman niya ang kanyang ina sapagkat parang wala ito sa sarili na hindi magkandatuto sa pagsuot ng hospital gown.
"Let's go mom?" Aniya sa inang wala ring tigil sa pagluha ng tahimik matapos niyang ayusin ang suot nito. Inalalayan niya itong maglakad hanggang sa makarating sila sa loob ng ICU kung nasaan ang kanyang Lola Emily.
Nahigit niya ang kanyang hininga ng muli na naman itong makita sa ganoong kalagayan.
May kung ano-anong tubong nakakabit sa katawan nito at sa bibig bilang suporta sa paghinga nito.
Hindi na napigilan ng kanyang ina ang muli na namang mapahagulgol sa nakitang kalagayan ng ina. Siya naman ay nakaalalay pa rin rito sapagkat pakiramdam niya, anumang oras ay mukhang hihimatayin na ang kanyang mommy.
Kaya naman kahit emosyonal na rin siya ay pilit pa rin niyang pinapatatag ang kanyang sarili para sa ina.
Her mom needs her so she needs to be strong for her even if her heart is almost breaking while seeing her grandmother lying on the bed unconsciously.
"T-tell me she's gonna be okay, anak." Bigkas ni Ameelia sa kanya habang nakatingin sa kanyang Lola.
"O-of course mom! She's a strong woman! Sa kanya tayo nagmana diba?." Pilit niyang pinasigla ang kanyang tinig kahit na nga ba ang bigat-bigat na ng kanyang dibdib dahil sa pinipigilang emosyon.
"Y-yeah. She's a fighter." Sagot naman ni Ameelia na pilit kinakalma ang sarili.
Kapagkuwan ay nagyakap silang mag-ina na tila doon humuhugot ng lakas sa isa't-isa.
----- -------- --------
"I bought some coffees, Stevie." Untag ni Dominico sa kanya. Nakaupo siya sa stool habang ang kanyang ina naman ay nakahigang nakaunan ang ulo sa mga hita niya. Ang Tita Almeera naman niya ay saglit na nagpaalam para mag-CR.
"Thanks,Tito." Nakangiti niyang pasalamat dito sabay abot sa instant coffee na hawak nito. Kapagkuwan ay malalim na napabungtung-hininga si Dominico at naupo na rin sa bakanteng silya sa tabi nila.
"Salamat pala, Tito Dom at hindi mo iniwan si Tita Almeera dito kanina." Muli niya saad dito. May hindi kasi pagkakaunawaan ang mga ito noong mga nakaraang araw na umabot pa sa puntong hiwalayan.
Nahuli raw kasi ng pinsan niyang si Meirelle na anak ng mga ito ang kanyang Tito Dominico na may ibang babae kaya naman nagalit ng husto dito ang kanyang Tita Almeera. Pero sa huli ay napag-alaman nilang ka-business partner lang pala talaga nito ang babaeng nakita ng kanyang pinsan na kasama nito. Ngunit sumama ang loob ng Tito Dominico niya dahil sa nangyaring pangbibintang sa kanya ng wala namang sapat na dahilan.
"You don't have to thank me, Stevie. Mommy Emily is my family too. And your Tita Almeera needs me. Infact, we're okay now. We settled things between me and your Tita already."
" I'm glad to hear that, Tito Dom." Natuwa talaga siya sa narinig. Ibig sabihin din kasi nito ay titigilan na siya ni Meirelle na magpatulong para suyuin ang ama nito na nagtampo rin rito. Mga tamang hinala kasi.
Ilang minuto ang lumipas at narinig niyang nagriring ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at hinugot ito mula roon. Nakita niyang tumatawag ang manager niya sa The Club BGC na si Dhalia.
Siguro ay magrereport lang ito ng sales nila. Tinignan niya kasi ang oras at nakita niyang it is almost five am in the morning. And it's their closing time. They operate from 9pm til 5am in the morning.
Sinagot niya ang tawag at may ilang minuto lang ang lumipas sa pakikipag-usap niya mula sa kanyang cellphone ay humahangos palabas ang nurse na nagra-rounds mula sa silid ng kanyang Lola Emily and calling the name of a certain doctor.
Saktong nakabalik na rin ang kanyang Tita Almeera at nagising naman ang kanyang ina na natutulog sa kandungan mula sa narinig na nagkakaingay.
All of a sudden there were nurses and doctors came rushing inside her Lola Emily's room that made them panic like hell. Nakita na nila ang ganitong eksena noong naghihingalo ang kaniyang Lolo Miguel.
Bigla siyang natakot at nanlamig sa kanyang naisip at mabilis na tinungo ang pintuan ng silid ng kanyang Lola. Ngunit maagap siyang pinigilan ng isang nurse bago pa man siya makalapit sa kanyang Lola na kasakukuyang nire-revive ng doctor gamit ang defibrillator machine.
Lalo siyang natakot ng makitang flat line na lang ang kanyang nakikita sa monitor at hindi na nagre-react ang katawan ng kanyang Lola sa electric shock.
Mabilis din na nakapasok ang tatlo pa niyang kasama at nagsilapit na rin sa kaniya.
Napahagulgol silang lahat ng huminto na ang doctor sa pagrevive sa Lola niya at magsalita.
"Time of death, 5:17am." Saad nito habang nakatingin sa relong suot.
Tanging malalakas na hagulgol na lamang ang nangibabaw sa loob ng ICU pagkabanggit ng oras ng kamatayan ng kanyang Lola Emily.
------ ------- ------
Stevie felt so down and weak at the moment. Mugtong-mugto na rin ang kanyang mga mata kakaiyak.
Kasalukuyan ng nakaburol ang kanyang Lola Emily sa isang private funeral home. Pinilit silang magpahinga muna ng kanyang Tito Dominic upang makapagbihis na rin.
Mukha na kasi silang zombie na mag-ina at napakalagkit na rin ng kanyang pakiramdam. Mabuti na lamang din at mabilis nakarating sa hospital ang kanyang ama kanina at ito na rin ang nag-asikaso ng lahat kasama si Dominico para sa lamay ng kanyang Lola.
Sa sobrang pagod na nararamdaman ay mabilis na nakatulog si Stevie pagkauwi nila ng mommy niya sa kanilang mansiyon.
Past 10 o'clock na ng gabi siya muling nagising at napabalikwas siya sa higaan ng makita niyang nag-aalarm ang reminder ng kanyang cellphone.
Hindi pa nga pala niya nasabihan ang kaniyang mga tauhan sa The Club BGC na hindi siya makakapasok. Hindi naman niya pwedeng isara yon sapagkat siguradong kanina pa nakabukas iyon at malamang ay marami na ring customers sa mga oras na ito.
Dinarayo na rin kasi ang club niya dahil na rin sa mga unique marketing strategies niya.
Ayaw rin niyang ipasara iyon dahil may mga umaasang mga empleyado sa kanya.
Naisipan na lang niyang tawagan ang pinsan niyang si William para dito na lang magpatulong. Tutal ay mahilig naman itong magpunta sa club niya. Kahit naman maloko ito ay alam niyang seryoso si William pagdating sa mga ganitong suliranin.
Agad niyang idin-ial ang number nito at nakiusap na ito na lang muna ang mamamahala sa club. Agad din naman itong pumayag sapagkat alam na rin nito na pumanaw na ang Lola Emily niya.
Nagpasalamat siya dito bago pinutol ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag at kahit paano ay nabawasan ang kanyang alalahanin.
Bumangon na siya para maligo at magbihis para makabalik sa burol ng kanyang abuela.
Hindi pa man siya tapos magbihis ay pumasok na sa kanyang silid ang kanyang Mommy. Nakabihis na rin ito at nakadress ng kulay itim na namumugto pa rin ang mga mata.
Agad na hinaplos ng awa ang kanyang puso pagkakita sa namamagang mata nito. Agad niyang nilapitan ito at niyakap.
"I-I can't believed that Lola is really gone, mom." Wika niya sa ina at pinakawalan na ang mga luhang matagal-tagal din niyang pinigilang ilabas.
Ibinuhos niya lahat ng kanyang nararamdaman sa balikat ng kanyang ina habang mahigpit siyang yakap-yakap nito.
She's totally a Lola's girl. Bukod kasi sa kanyang mga magulang ay isa rin ito sa mga nag-i-spoil sa kanyang mga luho at kagustuhan. Ito rin ang kakampi niya sa tuwing pinipilit siya ng kanyang mga magulang na magtrabaho na sa kanilang kompanya.
It's not like that she is a spoiled brat at tamad-tamaran to work on their company.
Pakiramdam lang niya kasi ay hindi siya nababagay na umupo lang basta sa opisina nila at pumirma-pirma lang ng kung ano-anong papeles. Ayaw naman siya payagan ng kanyang mga magulang na sa field magtrabaho sapagkat delikado raw para sa kanya at halos lalaki lang ang naroon.
Nasa linya sila ng construction and mechanical supplies. Sa construction firm nila sana siya dinadala ng kanyang mga magulang dahil isa siyang Architecture graduate.
Napilitan lang siyang sundin ang mga ito na kumuha ng architecture sapagkat ayaw naman niyang ma-dissappoint ang mga magulang niya sa kanya.
Ngunit ng makatapos siya ng pag-aaral ay pinili muna niyang sundin ang gusto at sumabak sa industriya ng showbiz at pagmomodelo.
Kalaunan ay marami na ring nakadiskubre sa angkin niyang galing sa pagsasayaw kaya mas pinursue niya ang dancing at doon siya nagsimulang sumikat.
Nagiging trending ang lahat ng kanyang tv appearance at dance covers na sobrang ikinatutuwa ng kanyang abuela at todo suporta sa kanyang napiling career. Palagi rin nitong pinapanuod ang mga dance videos niya sa YouTube at panay ay tuwang-tuwa ito sa kanya.
"Alam mo bang ipinagmamalaki ka ng Lola mo everytime na mabubuksan ang topic tungkol sayo sa mga social gatherings na pinuntahan namin kasama siya?" Kapagkuwan ay masuyong sabi ng kanyang ina habang marahang pinupusan ang kanyang mga luha. "She's so proud of you, my princess. At ganoon din kami ng Daddy mo." Dugtong pa nito habang hinahamig na niya ang kanyang sarili.
"Hindi ko pa pala natatawagan si Mama Luisa, Mommy." Tukoy niya sa kanyang handler ng maalala na may mga projects pa nga pala siyang kailangang gawin.
"Don't worry, hija. Nakausap na siya ng Daddy mo para i-cancel na muna lahat ng engagement mo. Baka nasa funeral na rin siya ngayon."
"Okay then. Tapusin ko lang magbihis then we'll go ahead na rin. Just give me a minute mom."
"Okay anak. I'll get my bag in my room na lang muna. Take your time to fix yourself. You look awful sweety. Baka bumangon sa kabaong ang Lola mo pag nakita ka niyang ganyan." Nakangiting biro na ng kanyang ina. Alam niyang totoo yon sapagkat namamaga rin ang kanyang mga mata at may malaking eyebags sa ilalim noon. Kaya matapos niyang makapagbihis ng black over-all jumpsuit ay napipilitan siyang magmake-up kahit na nga wala siya sa mood maglagay noon.
Ayaw naman niyang magmukhang zombie sa funeral ng kanyang Lola. Lalo na at gustong-gusto pa naman nito na lagi siyang maganda at presentable.
Matapos niyang makapag-ayos ng sarili ay inaya na niyang muli ang kanyang ina para pumunta sa burol ng kanyang abuela.