Chapter 9

1902 Words
Stevie's Napatigil si Stevie sa paglalakad patungo sa kanyang private office sa loob ng The Club BGC ng may pamilyar siyang tinig na naririnig na kumakanta sa stage. Isang buwan na ng kumalat ang balitang lihim na pagpapakasal nito kay Jazon Chan na napag-alaman niyang pinsang buo pala ni Juanczo. What a small world isn't it? Sa mga nakalipas kasing araw ay naging madalas na ang pagkikita nila ng kanyang nobyo kaya naman marami-rami na rin silang alam sa isa't-isa. Ito pa pala ang nagkasal sa kanyang kaibigan na kumakanta ngayon sa stage na si Margaux at sa asawa nitong si Jazon. Naitanong niya rin kung bakit hindi niya ito nakita sa iilang wedding photos nila Jazon at Margaux gayong ito pala ang nagkasal sa mga ito at kamag-anak pa siya ng groom. Sinabi naman nitong sinadya raw kasi ng mag-asawa na limitahan lang ang mga uploads sa social media for some privacy issue. May mga pictures naman daw sila sa kanya-kanya nilang cellphones kaya okay na yun. Hindi rin naman daw kasi ganoon ka-engrande ang naging kasal ng kanyang kaibigan dahil madalian lang din. Nang tanungin niya kung ano ang dahilan ay hindi naman nito sinagot at iniba na lang ang usapan. Muli niyang binalingan ang kumakantang kaibigan sa stage. Weekdays ngayon kaya may gimmick silang open mic para sa mga gustong magbahagi ng kanilang talento sa pagkanta. Nakakahanga pa din ang angking galing nito sa pagkanta. Damang-dama nito ang bawat lyrics ng kantang Without Me ni Halsey na para bang may pinaghuhugutan niyon. At napansin niyang hindi lamang siya ang nakakapansin sa angking galing ni Margaux. Dahil kitang-kita sa mga parokyano ng kaniyang club na gustong-gusto nila ang performance ng kanyang kaibigan. Agad na may nabuong ideya sa kanyang isip na sana ay tanggapin ni Margaux. Maya-maya ay naramdaman niyang nagba-vibrate ang kanyang cellphone na hawak kaya doon na niya muna ibinaling ang atensiyon sapagkat nakita niyang si Juanczo ang tumatawag. Siguro ay magpapaalam lang ito na babalik na naman sa Aurora. Sobrang natutuwa talaga siya sa binibigay nitong effort para lamang magkasama silang dalawa kahit saglit-saglit lang. Halos araw-araw kasi itong nagpapabalik-balik ng Manila at Aurora para lang makita siya. Tama nga ang kanyang hinala na magpapaalam nga ito para umuwi na sa Dingalan makaraang sagutin ang tawag nito. Next week na raw muli ang balik nito na ikinalungkot niya ng husto. Wala pa man kasing isang araw na hindi sila magkita ay namimiss na na niya ito ng sobra. Paano pa kaya ang isang linggo? Ayaw naman niyang magdemand dito ng oras sapagkat alam naman niya marami itong kailangan asikasuhin bilang Mayor at bilang may-ari ng ibat-ibang negosyo. Pagkalipas ng ilang minuto nilang pag-uusap ni Juanczo ay nagpaalam na ito dahil lilipad na umano ang service nitong helicopter na siyang nagsisilbing transportation nito mula Dingalan at nakikilapag sa helipad ng HC Tower na pagmamay-ari naman ng pinsan nitong si Jazon. Napagpasyahan na niyang lapitan ang grupo nila Margaux upang ihayag dito ang naisip niyang proposal at para kamustahin na rin ito. Stev!" Gulat na sabi ni Margaux sa kanya ng mapansin nito ang presensiya niya sa tabi ng mga ito. Kasama rin nito ang dati din niyang mga naging kaklase noon sa learning school for talents na sina Bea, Tanya at Lindsay. "What are doing here old friend?" Tanong ni Margaux sa kanya ng makabawi sa pagkagulat na malapad ang pagkakangiti. Halatang natutuwa ito na muli silang nagkita. Ilang taon din kasi silang walang komunikasyon matapos niyang piliin noon ang pumasok sa showbiz at maging modelo panandalian. Sa katunayan ay isa rin siya supermodel ngunit mas nagustuhan talaga niya ang pagsasayaw kaya naman doon na siya nagfocus. "I missed you too Margy" ganting biro niya at nakipagbeso rito bago nginitian ang tatlo pa nitong kasama. "Really? Ganyan ba bumati sa isang diyosa?" Sabay tawa niya. "Like duh Stevielyne Doré" Margaux rolled her eyes first bago ito muling nagsalita. "That's the right greetings from the same Goddess as you." Dugtong pa nitong saad kapagkuwan ay bumaling sa mga kasama nito. "Girls, you remember her right? Siya yung pumalit sayo Lindsay nung agad kayong sumuko sa pagtetraining noon?" Baling nito kay Lindsay. Natawa siya sa tinuran ni Margaux sapagkat naalala niya yung araw na yon na basta na lang nag-quit si Lindsay dahil hindi na kinaya ang training. Kaya naging sila na lang ni Margaux ang magkapartner. Binansagan pa nga nilang 2G's ang kanilang duo that standa for two goddesses. Katulad niya kasi itong DDSS o Diyosang-diyosa sa sarili. Kaya nga madali silang naging close at naging magkaibigan dahil kayang-kaya nilang sabayan ang trip ng bawat isa. "Of course! Who would have forget this beautiful b***h! Kamusta na Stev? It's been a long time." Wika naman ni Bea na siyang pinaka maldita sa mga ito ngunit kasundo niya pa rin dahil totoong tao ito at hindi plastic. Nakipagbeso na rin siya mga ito kapagkuwan ay sinagot ang katanungan ni Margaux kung anong ginagawa niya rito sa Club BGC. "Well for your information girls. I just happened to be the owner of this bar." Proud na sabi niya sa mga ito. Sabay-sabay naman napanga-nga ang mga ito dahil sa pagkagulat kaya muli na naman siyang natawa. Ang alam kasi ng mga ito ay ayaw na ayaw niyang magpatakbo ng business nila and yet here she is, running her own business. "Oh really? Wow! That's literally surprised me. Imagine, mas allergic ka pa sakin sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya niyo pero look at you now. Proud to be the owner of this freaking bar." Masayang sabi ni Margaux sa kanya na bakas ang katuwaan sa nalaman. "Well, nung nagsawa na kasi ako sa pagmomodelo abroad, naisipan kong why not settle na lang muna for a while and start a business na malapit din sa puso ko. Saka mas nag-eenjoy ako ngayon sa pagsasayaw at pag-compete around the world kasama ng grupo ko. And tadaaaaa!! The rest is history.." aniya sa apat na kaibigan. "So pwede pala kaming maka discount dito everytime na pupunta kami dito?" Ani Tanya na isa ring maldita with a heart. "Ahmm pwede naman basta ba kakanta din kayo sa stage na yon" sabay turo niya sa stage. Nag-ungulan naman ang tatlo niyang kaibigan dahil sa narinig. "Alam mo namang wala kaming katalent talent sa pagkanta Stev. Gusto mo bang magsara agad ang bar mo kapag pinakanta mo kami don?" Angal naman ni Lindsay na ikinatawa nilang lahat. "Oh by the way Margaux" baling niya rito. "May iba pa kong agenda aside sa pangangamusta sa inyo. I want to ask some favor from you." "what is it?" Ani Margaux. "I noticed that the crowd seems to love to hear you sing again. So I would like to offer you a ahmmm pano ko ba tatawagin yon?" Saglit siyang nag-isip kung ano ba ang tamang termino sa nais niyang sabihin. "Since alam ko naman na hindi mo naman na kailangan magtrabaho dahil bukod sa mayaman ka naman at asawa mo pa si Jazon Chan na isa sa pinakamayayamang tao dito sa Pinas... Baka naman gusto mo akong tulungan para makahatak pa ng maraming parokyano. You see kaka establish ko lang nito kaya medyo kakaunti pa lang ng pumapasok. But... If you'll agree to help me there's a 80% chance na dumami pa customer dito sa bar ko." May kahabaang salaysay niya. Na may bahid kasinungalingan dahil hindi naman totoong kakaunti pa lang ang nagiging customer ng club niya. Sa katunayan nga ay nabawi na niya halos ang kanyang nagastos sa pagpapatayo nito kahit wala pa naman itong isang taon na nag-ooperate. Taktika lamang niya iyon at baka sakaling maawa ang natural ng maawain na si Margaux. Isa pa din nila kasing pagkakapareho ay ang pagiging matulungin nila sa mga nangangailangan. Ito ang madalas niyang kasama dati sa mga dinadaluhan ng kanilang pamilya na charity events. "I think I know already what you want Stev. You want me to sing regularly here noh?" "Correct!" Napapalakpak niyang sagot sa katuwaan. Matalino talaga ang kaibigan niyang ito. At madaling makahalata. "Pero syempre ayaw naman kitang maging employee lang kaya I'm offering you to be my business partner here. But you don't have to invest a money. Kakanta ka lang." Sabay kindat pa niya rito na may nangungumbising tingin. "Please Margaux? Please?" Dagdag niya pang pakiusap. "Luhod ka muna." Birong saad naman nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Talaga ba Margy? Sa ganda kong to? Paluluhurin mo talaga ko?" Kunwaring hindi niya mapaniwalaang sagot nito na ikinatawa nilang lahat. "Really Stev ganyan ba ang tamang pakikiusap sa diyosang tulad ko?" Panggagaya nito sa sinabi niya kanina. "Sige na kasi, don't let me beg naman Margy." "Ok pag-iisipan ko." Sa sinabi nito ay mabilis niya itong niyakap at matinis ang boses na tuwang-tuwa. "Oi wag OA hindi pa ko pumapayag. Pag-iisipan ko pa lang." "I know you Margy. Sating dalawa ay ikaw ang mas maawain kaya nga laman ka ng different charity institution diba. Kaya isipin mo na lang charity ang gagawin mong pagpayag sa alok ko." Pangungumbinsi pa ulit niya rito. "Fine fine fine. Magpapaalam muna ko sa asawa ko. Medyo strict kasi yon lalo na ngayon buntis na ko." Sa wakas ay pumayag na rin ito. Sigurado siyang mas lalong makikilala ang kanyang club sa naisip niyang marketing strategies kasama si Margaux. Pero mas higit niyang ikinatuwa ang sinabi nitong nagdadalang-tao na ito. "Oh my God! Buntis kana nga? Kelan ko lang nabalitaan ang secret wedding niyo ah. Grabe bes ang landi mo talaga. Hahaha! But anyways congrats! I'm happy for you. Pero hindi naman siguro ibig sabihin non na babawiin mo na ang pagpayag sa offer ko diba?" "Oo naman.. naiinip na din kasi ako sa bahay. Hindi na rin naman gaanong maselan ang paglilihi ko unlike nung mga unang araw ko ng pagbubuntis. I'm sure naman aalagaan mo ko dito." Muli pa sana siyang sasagot ngunit napansin niyang biglang naging un-easy si Margaux at may tinitignan kung saan. Saglit itong nagpaalam sa kanila at may sinalubong na lalaki na parang isang bodyguard. Baka pinapasundo na ito ng asawa dahil ayon na rin dito ay medyo istrikto nga daw ang pinsan ng kanyang nobyo na si Jazon. Nakalimutan nga pala niyang sabihin dito na boyfriend niya ang pinsan ng asawa nito. Sa ibang araw na lang siguro niya iyon ikukwento dito. Binalingan na lamang niya ang tatlo pa nilang kaibigan at dito nakipag kwentuhan habang hinihintay na makabalik si Margaux. Ngunit ng makabalik ito ay lukot na ang mga mukha at halatang dismayado ng magpaalam na mauuna na sa kanila dahil pagod na daw ito at masama na ang pakiramdam. Malakas ang pakiramdam niya na hindi totoo ang dahilan nitong masama na ang pakiramdam dahil sa ipinagbubuntis nito. Ramdam niyang may pinagdadaanan talaga ang kanyang kaibigan. Nababasa niya iyon sa mga mata at ikinikilos nito. At hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Margaux. Isa pa kasing ipinagtataka niya ay ang napili nitong kantahin kanina. Dahil ang pagkakaalam niya, paborito nito si Dua Lipa at madalas na ang mga kanta nito ang kinakanta ni Margaux. And the way she sang that sad song of Halsey na parang may pinaghuhugutan talaga dahil parang pinipigilan pa nitong maiyak. At mukhang siya lang ang nakapansin noon. Hmmm may problema kaya sila ng asawa niya? She did a mental note to herself na mag-usisa kay Juanczo at baka may alam ito sa nangyayari kay Margaux.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD