Chapter 10

2251 Words
Juanczo's "What the hell is going on here!?" Malakas na sigaw ni Juanczo sa mga nagkakagulong member ng DKRC. Nakita niyang pawang putok ang mga bibig nina William at Bryce Maverick. At mukhang may kinalaman si Gabbrielle sa pinag-aawayan ng mga ito dahil nakasalubong niya itong hindi maipinta ang mukha at maluha-luha pa ang mga mata sa galit. Nagmadali siyang makapunta dito sa DKRC makaraang tumawag si Jazon sa kanya kanina na umiiyak at sinabing nakunan raw ang asawa nito. Halata sa boses ni Jazon ang bigat ng pinagdadaanan nito sapagkat narinig pa niya itong humahagulgol sa kabilang linya. Kamakailan lang ay naikwento nitong nalaman na ni Margaux ang tungkol sa totoong dahilan ng pagpapakasal nito kaya naman nagkaroon umano ang mga ito ng matinding away. Hindi naman niya akalaing aabot sa pagkalaglag ng anak ng mga ito ang lahat. Pinatuloy na muna niya si Jazon sa private suite niya sa DK Hotel and Suites. Ngunit mukhang hindi lang ang problema ng kanyang pinsan ang kanyang aayusin sapagkat naabutan nga niyang nagkakagulo ang mga member ng DKRC na sa hula niya ay si William at Bryce ang pasimuno. Sapagkat si William ay inaawat at mahigpit na hawak ni Steven Lo samantalang si Bryce naman ay inaawat ni Zzayden Greene na mga miyembro rin ng DKRC. Tumigil naman ang mga ito sa pagbubuno ng marinig ang sigaw niya. Tumingin muna sa kanya si William habang pinupunasan ang tumutulong dugo mula sa bibig nito bago matatalim ang mga tinging muling binalingan ang kaaway na si Bryce. "Don't you dare touch Gabbrielle again or else mas malala pa dito ang makukuha mo." Muli nitong bulyaw kay Bryce na hinihingal pa rin dahil sa galit. William spit some blood coming from his mouth before giving him an apologetic look at muling binalingan ang nagpupumilit pa ring makawala na si Bryce mula sa pagkakahawak dito ni Zzayden. "Are you threatening me, Alonzo? I'm not gonna stay away from Gabbrielle just because you said so!" Pabulyaw din namang sagot ni Bryce kay William. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan niyang ito at nagkakagulo ng dahil kay Gabbrielle? "Is there anyone here would care to tell me what the f**k is going on?" Ulit niyang tanong ng walang sumagot sa tanong niya kanina. Mukhang binabaliwala lang ng mga ito ang rules ng samahan nila. "What happened to our rule number four, eight, nine, ten ha?" Sermon niya sa mga ito. "Why don't you ask this mother f*****g bastard!?" Ani Bryce sa kanya sabay bigay ng matalim na tingin kay William "f**k you, Gamboa!"malakas na mura dito ni William na akma na naman sanang susugurin mabuti at maagap itong napigilan ni Steven. "Why don't you just go and f**k yourself instead huh!?" "Oh really huh, Alonzo!" Patuya namang ganting sigaw ni Bryce. "Yeah! 'cause you're nothing but a f*****g asshole the whole time. Like your father!" Insultong sagot pa rito ni William. Sa sinabing iyon ni William ay muli na namang sumugod dito si Bryce na mabilis nakawala sa pumipigil ditong si Zzayden para bigyan ng malakas ng suntok sa panga si William. Ano naman kayang kinalaman ni Senator Arthuro Gamboa sa usapan? Lalo lang tuloy gumulo ang lahat para sa kanya. "You two, enough!!" Sigaw niya muli. Nakiawat na rin siya sa mga ito ng makita niyang nahihirapan na sina Steven at Zzayden na pigilan ang mga ito. Naiirita na rin siya sa mga ito dahil wala ng respeto ang mga ito sa kanya at sa rule number four nila na never make an enemy with the members. Mabuti na lamang at nasa secluded area sila ng DK Suites kaya naman walang mga guests na makakakita sa kaguluhang nangyayari. Wala kasing ibang pinapahintulutang makapasok rito kundi mga authorized personnel lamang. Nasa right wing kasi ng DK Hotel And Suites ang mga private suites ng mga may-ari at mga miyembro at nasa left wing naman ang hotel para sa mga guests. Sa wakas ay waring nakinig naman na ang dalawang nag-aaway sa naging sigaw niya. Kapagkuwan ay nagngangalit ang mga pangang nagsalita siya muli. "Both of you. Are f*****g. Suspended. For two months!" Galit niyang sigaw sa dalawa. Napuno na rin kasi siya dahil hindi na yata marunong kumilala ng authority ang dalawang nag-aaway. "Mga wala kayong respeto! Sa harap ko pa talaga kayo nag-away!" Dugtong niya pang sabi. At mukhang inaasahan naman na ng mga ito na mapaparusahan sila sa kanilang ginawa kaya mga kapwa nakatahimik lang at matitigas pa din ang ekspresyon ng mga mukha. Si Bryce ay basta na lamang lumayas sa harapan nila at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang elevator. Si William naman ay napaupo sa sahig na animo naubusan ng lakas. "What the f**k is that? At bakit nasali pa sa usapan si Senator Gamboa?" Galit niya pa ring tanong naman kay Steven at Zzayden na mga naiiling na lang. "You better ask this moron, VP." Sagot ni Zzayden sa kanya sabay turo kay Steven. VP ang tawag sa kanya ng mga member ng DK. He then gave Steven a questioning look. Sobra na talaga siyang nagtataka sa mga nangyayari. Anong alam dito ni Steven? "He's an agent, VP. A secret agent." William said referring to Steven while wiping the blood on his mouth. Lalong lumalim ang kunot ng mga noo niya sa sinabi nito at binalingan muli si Steven na seryoso ng nakatingin sa kaniya. Kaya naman pala madalas niyang napapansin kakaiba ang mga ikinikilos nito. Isa pala itong secret agent. Behind his gullible attitude bilang isang TV Host ay isa pala itong secret agent? "You heard it right, VP." Ani Steven na seryosong-seryoso pa rin. "But I'll talk to you some other time. Kailangan ko pang sundan si Gamboa." Sabay bira ng talikod sa kanila. "Then answer my question, Lo." Habol niya sa paalis ng si Steven. "Bakit nasama sa usapan si Senator kanina?" Tukoy niya sa amang senador ni Bryce Maverick. "It's complicated, VP. And we better not talk about that in public." Tanging tugon na lamang ni Steven sa kanya bago tinungo ang elevator at sumakay roon. Si Zzayden naman ay tinulungang makatayo si William bago nagpaalam sa kaniya. "Ipapalibing ko lang tong si Alonzo, VP. Mukhang wala ng pag-asa eh. Malala na." Natatawang biro ni Zzayden sa kanya habang inaalalayan ni si William sa paglalakad. "f**k you, Berde!" William cussed to Zzayden. Berde dahil Greene ang last name nito. Iiling-iling na lamang siyang pinagmasdan ang mga papalayong kaibigan. Kapagkuwan ay naisipan niyang tawagan ang best friend niyang si Mauricius Klyde na laging missing in action na isang beses pa lamang yata niya nakita ngayong buwan. "Come over here right now at DK Mr. President." Bungad niya kay Klyde matapos nitong sagutin ang kanyang tawag. - f**k you, Dos. I'm in the middle of a business meeting right now. Hindi na ba makapaghihintay yan ha? - "Tang-ina mo din, Mauricius Klyde. DKRC is your business also! And FYI, two members just broke some rules! And it's because of your cousin Gabbrielle and Senator Gamboa! Goddamit! And I have no idea what the f**k is going on so you better get your ass off here as soon as possible because I have a lot of things to do and problems to solve." Klyde tsked on the other line and answered. -I think I already know why. So take it easy,bud. Sige, diyan na ko didiretso pagkatapos ng meeting ko.- Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. At mukhang may alam na ito sa mga nangyayari pero saka na siya mag-uusisa at kailangan niya pang puntahan si Jazon sa private suite niya. "Good. Anyway, Jazon's here. And he needs me. He got a huge problem with his wife Margaux." -alright then. Let's do what we have to do. See you later, Dos- At pinatay na nito ang tawag. Isa pang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya ay Dos dahil Junior nga siya. Juanito the second nga kasi siya. Kapagkuwan ay tinungo na niya ang kanyang private suite kung nasaan ngayon si Jazon na nagluluksa sa pagkamatay ng anak nito. Hindi niya inaasahan na mauuwi sa ganitong pangyayari ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Pagkabukas na pagkabukas ng kanyang pintuan ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang pinsan. Bahagya pa siyang kinabahan ng hindi agad ito makita. "Jazon!?" Tawag niya rito habang pinapakiramdaman ang paligid. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng pumasok siya sa kanyang kwarto at narinig niyang may nag-sa-shower roon. Sigurado siyang si Jazon yoon dahil basta na lamang nitong ikinalat ang mga hinubad nitong mga damit sa kanyang kwarto pati na rin ang DK access card niya na ibinigay dito. Iiling-iling na pinulot na lamang niya ang mga ito bago lumabas at inilagay sa laundry basket ang mga maruruming damit. Kumuha muna siya ng malamig na tubig sa refrigerator at uminom. Makalipas ng ilang minutong paghihintay na matapos ang kanyang pinsan sa paliligo ay narinig niyang nag-iingay ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa at alam niya kung sino ang tumatawag dahil sa assigned ring tone niya para rito. Shit! Mura niya sa isip dahil ngayon lamang niya naalala si Stevie. Hindi pa nga pala niya nasasabi rito na nasa Zambales na ulit siya ngayon. Araw-araw kasi nilang ina-update ang isa't-isa kung ano ang mga activities nila. "Hey, baby.." he said sweetly when he answered his phone. Lumakad na rin siya patungo sa sofa na nasa sala at doon umupo. -hey, have you heard the bad news about Margaux and Jazon and...their baby? - Stevie said on the other line in sad voice. Nakarating na din pala rito ang nangyari. He heaved a heavy sigh before answering. "Yeah.. I'm here at DK now with Jazon. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos dahil kadarating ko lang din." Malungkot niya ring sabi kasabay ng pag-alala sa nawalang bata sa sinapupunan ni Margaux na magiging unang pamangkin niya sana. "I miss you, baby." Kapagkuwan ay dugtong niya. Ilang araw na din kasi niya itong hindi nakikita ng personal. Panay tawag at text lang sila o kaya naman ay video call. -Ah. I miss you too, Juanch.- Malambing na boses na tugon naman ng kanyang kasintahan. Kahit boses lamang nito ang kanyang naririnig ay gumagaan na ang pakiramdam niya. And that's it. Nawala na lahat ng stress na nararamdaman niya pagkarinig lang sa malambing na boses ni Stevie. Ang mga paglalambing nito na nakakawala ng init ng kanyang ulo. Ang mga nakakahawa nitong tawa sa tuwing may kinakailiwan itong isang bagay. Miss na miss na talaga niya ito. Stevie is his shock absorber. Kahit na nga ba sabihing wala pa naman silang isang buwan. Alam niyang lalo pang lumalalim ang pagtingin niya dito. Sobra din niyang ikinatuwa na botong-boto sa kanya ang mga magulang ni Stevie ng pormal niyang ipaalam sa mga ito na kasintahan na niya ang unica hija ng mga ito. "I really wanted to see you. God! I missed you so much, baby. Do want to come over here? Pwede kitang ipasundo sa private helicopter ko." -Really? You want me to go there?- Kahit hindi niya nakikita ito ay alam niyang tuwang-tuwa ito sa kanyang sinabi. Matagal na kasi itong nagsasabi na gusto na raw ulit nito makabalik ng DKRC. Sadyang naging busy lang kasi sila ng mga nakaraang araw kaya wala pa silang oras na mamasyal rito. "Yeah. And that is kung wala kang commitment ngayon." - well, guess what, Mister Mayor. My handler just called me and she said I can take a rest for a week. Sa susunod na linggo pa naman kasi ang next project ko sa Studio Nine. And yung club. Uutusan ko nalang ulit si William na siya muna ulit ang mamahala.- Napangiwi siya ng marinig ang pangalan ni William. "I think that's not a good idea, baby. Your cousin's in a deep s**t right now." - why? What happened to him?- "Inabutan ko sila ni Bryce na nag-aaway kanina. And hindi ko pa alam kung bakit. Nandito na ko sa loob ng suite ko and I'm waiting for Jazon to come out from the bathroom. We have a lot to talk about." - okay, baby. Ipasundo mo na ko ngayon din para makausap ko na rin si William. Wag mo siya papaalisin ok- "Copy that, My Queen. See you later. I love you." - ahh I love you too, Mister Mayor. See you later. - Pagkasabi ng mga katagang iyon ng kasintahan ay hindi niya maiwasang kiligin. He can't believed it! This is the first time he said I love you to a girl. Well aside from her mother of course. Ganito pala talaga ang feeling ng in love. Sa isip-isip niya. Kasabay noon ang pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto at lumabas mula roon ang kanina niya pa hinihintay na si Jazon. Nakasuot ito ng kanyang damit pambahay. "You look like s**t, man!" Bungad niya sa pinsang nanlalalim at nangingitim ang paligid ng mga mata. Kahit kasi bagong paligo ito ay halata pa rin dito ang pinagdadaanang sakit ng kalooban. "Tell me what happened." Saad niyang muli. Lulugo-lugo namang umupo si Jazon sa kaharap niyang upuan sa sala. At may pagkapaos ang boses na nagsimulang magsalaysay ng nangyri. "I was so stupid, Juanczo." Panimula nito na mukhang maiiyak na naman. Ngayon lamang niya nakitang nagkaganito ang kanyang pinsan. Sa kanilang dalawa kasi ay ito ang mas masayahin. Not until his ex-girlfriend Andrea died. Sa basag na boses ay muli itong nagpatuloy. "Andrea is alive, Juanczo.." rebelasyon ni Jazon. Tila isang bomba iyon na sumabog sa harapan niya. What the?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD