Chapter 2

2051 Words
Juanczo's Napatigil sa pakikipag-usap si Juanczo sa manager ng DK Coffee Shop na si Gabbrielle Mendel nang may marinig na tunog ng cellphone di kalayuan sa kanila. May kalakasan iyon kaya't napabaling siya para hanapin kung sino ang nag-mamay ari noon. Dumako ang tingin niya sa babaeng kausap niya kanina na pinsan pala ni William Alonzo. Si William ang in- charge sa pag-facilitate ng fundraising event nila ngayong araw na nagaganap sa loob ng DK Arena. Bahagya pa siyang nairita sa mga ito kanina sapagkat nakaharang ang babae sa entrance ng shop habang may pinagdidiskuyunan ito at si William. Saglit siyang hindi nakahuma kanina nung humarap sa kanya ang pinsan ni William na si Stevie. Hindi niya alam na may maganda pa lang pinsan ang lokong yon. Sabagay gwapo rin naman talaga ang isang yon. Pero ang higit na pumupukaw sa kanya ay ang napakaganda nitong mata. She has that round brownish pair of eyes na parang nanghahalina kung makatingin. A well pointed nose na bagay na bagay sa maganda nitong mukha. Bagay na bagay din dito ang suot nitong navy blue cocktail dress na humahakab sa makurba nitong katawan paired with a pair of four-inch stilleto walking confidently and gracefully. Para itong nasa catwalk kanina habang naglalakad. That's why he immediately captivated by that woman kahit na nga ba sa malayo pa lang niya ito nakikita. Galing siya sa DK Admin para hanapin si William at nakita nga niyang nasa labas lang pala ito ng coffee shop at mukhang nakikipag-asaran sa guest nila na pinsan pala nito. She's a head turner! Napansin din kasi niyang hindi lang siya ang nakapansin ng kagandahang taglay nito sapagkat nakita niyang nakatutok rin dito ang tingin ng iba pang kalalakihan na nasa labas ng coffee shop kasama ng iba pang member ng DKRC. Alam niyang kahit naka make up ito ay natural pa din ang kagandahan nito. And he's looking forward to see her bare face. Mas maganda pa siguro itong tignan kung walang kolerete sa mukha. He doesn't like the idea of putting make-up and other beauty products in girls faces. Para kasi sa kanya, ang mga cosmetic products na pampaganda are not safe for human skin. Nakuha niya ang ganoong kaisipan sa Mommy niya. Hindi rin kasi ito fan ng beauty products. They're into natural beauty. And this girl he's looking at possessed the beauty of a goddess. Even if she's wearing a make-up. Alam niyang napakaganda nito. Nakita niyang hinugot nito ang cellphone at sinagot ang tawag. "Yes mom. Yup I'll be there in maybe after thirty minutes. Ah-huh. Of course not. I'm just literally here outside, in a coffee shop to be exact. Yes. Magkakape lang ako Mommy. Okay. Yeah. Copy that Mom. Bye." Rinig niyang pakikipag-usap nito sa mula sa cellphone. Nakasisiguro siyang guest ito sa fundraising event nila sa loob ng arena at isa ring bidder. May yellow ribbon kasi itong naka-pin sa kaliwang bahagi ng dress nito malapit sa dibdib. Napalunok siya ng matanaw na naman ang cleavage nito. Medyo kumikinang-kinang pa iyon kapag natatamaan ng ilaw kaya mas lalong nakaka-agaw ng pansin at nakadagdag lalo sa taglay nitong alindog. Nakasisiguro siyang may ipinahid na kung ano roon para mas lumitaw ang kurba noon. I wonder what would it feels like if her mountains landed on my hands and that perfectly curved waist of hers. Wait! What?! Pinagnanasaan ko ba ang pinsan ni William? Sita niya sa kanyang isip habang nararamdamang unti-unting nabubuhay ang kanyang p*********i sa pagtitig pa lamang dito. He's having a freaking b***r just by looking at William's cousin! "Do you know Stevie?" Putol ni Gabbrielle sa pagtitig niya sa babaeng ngayon ay nasa counter na at narinig niyang umoorder ng brewed coffee at blue berry cheesecake. "Kanina ka pa kasi nakatingin sa kanya." Ani Gabbrielle na may bahid panunudyo sa tinig. Napansin pala nito ang ginawa niyang pagtitig kay Stevie. Sana'y hindi nito napansin ang pagnanasa sa kanyang mga mata. "I just met her a while ago. Diyan sa labas ng coffee shop. Nakaharang kasi siya pintuan habang kausap si William. Magpinsan pala sila?" Sagot niya rito sabay patanong na din na umaasang mag-bibigay ng impormasyon tungkol kay Stevie dahil sa hinuha niya ay kilala nito ang huli. Teka nga. Why am I so interested about that girl? Naguhuluhan na rin siya sa kanyang sarili. Hindi siya madaling magkagusto sa isang babae lalo na at karamihan nga sa mga nakikipag flirt sa kanya ay mga naka make up ng makakapal. He hates it. Pero itong si Stevie kahit naka make up eh gandang-ganda pa din siya. "Yeah. Magpinsan nga sila. Don't tell me you don't know her? Hihilahin ko buhok mo sa kili-kili kung ganon." Saad ni Gabbrielle na may halong birong pangbabanta. Lalo tuloy siyang naging interesadong malaman ang tungkol kay Stevie. "Oh my God! Hindi mo talaga siya kilala." Hindi makapaniwalang sabi ng Gabbrielle habang kakamot kamot siya sa kanyang batok. "That's Stevie Doré! She's a great dancer or should I say a total performer!. And FYI, she's our Philippines pride. Nakikipag-compete ang team niya abroad and they brought so many awards for our country. God! She is everything! I envy her to be honest. She's a great artist." Napapalatak pang dugtong nito na puno din ng paghangang nakatingin kay Stevie na magiliw nang nagpapasalamat sa naghatid ng order nito. So she's an artist. Paanong hindi niya man lang nakita ito sa telebisyon o kaya ay naimbitahang mag-guest sa DKRC? Maybe masyado nga siyang lulong sa kanyang public service and his business kaya siguro nawalan na nga siya ng time makipag-socialize and to know about the trending on social media. "Is she a celebrity?" Tanong niya. Gabbrielle rolled her eyes. "Malamang noh! Naku ikaw talaga Juanito Junior palibhasa ayaw mo sa mga babaeng naka make up kaya hindi ka nanunuod ng TV. Trending kaya lagi mga dance cover niya." "Hoy, nanunuod naman ako. And don't call me that name again. Ang baho!" Ayaw niya ang pangalan niya na isinunod sa tatay niya. Kaya Juanczo ang kanyang ginagamit instead of Juanito. Alam na alam talaga nito kung paano siya asarin. "Whatever! If I know puro patungkol lang sa pulitika ang pinapanuod mo. You're boring. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh." Pang-aasar pang dugtong nito na tinawanan lang niya. Totoo naman kasi ang sinabi nito kaya hindi na niya pinatulan pa. Hindi siya mahilig manuod ng entertainment news o ng kahit ano patungkol sa showbiz. Hindi naman sa ayaw niya talagang makakita ng mga babaeng naka make up. Mas nagfo-focus lang kasi talaga siya sa kanyang political career at sa pagpapalago ng kanilang bayan. Ang bayan ng Dingalan sa Aurora. Siya ang kasalukuyang alkalde roon na pumalit sa kanyang ama na ngayon ay congressman na ng kanilang bayan. And his career as a politician is his number one priority now. Makaraan ang ilang sandali ay cellphone naman niya ang nag-iingay. Si William ang tumatawag at nahuhulaan na niya kung bakit. Nakita niya kasing pumasok na itong muli sa DK Arena at malamang ay papabalikin na rin siya roon. Sinagot niya ang tawag at hindi nga siya nagkamali. Kailangan na raw niya maghanda para sa gagawing closing speech para sa pagtatapos ang charity event. Makaraang tapusin ang tawag ay tinignan niya kung anong oras na. It's almost midnight kaya pala tumawag na ito para pabalikin siya. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil roon. Nais pa sana niyang mag-usisa patungkol kay Stevie na ngayon ay abala sa sariling cellphone while eating her cheesecake with full of elegance. His adam's apple went up and down seeing her eating like that. Damn! Pati pag-nguya niya ang sarap panoorin. And those lips. Parang gusto ko ng maging cake ngayon para madikit din sa mga labi niya. Tumikhim si Gabbrielle para kuhanin muli ang kanyang atensiyon. Pumitik-pitik pa ito sa harapan ng mukha niya. "Earth to Juanczo. Yung laway niyo po pakipunasan." Sabay abot pa ng tissue sa kanya. "Nagbibinata na ang Junior namin ah." Tudyo pa nito sa kanya. Hinawi niya ang kamay nito bago sumagot ng nakangisi. Para kasi siyang teenager na kinikilig. I'm turning thirty next month yet I'm acting like a teenager being caught of having a thing for a girl. Dammit! "Saka na ko magtatanong about her." Sabay nguso niya sa direksiyon ni Stevie. "I have to go back inside DK Arena. Na-total na ang kabuuang kinita sa auction. It's time to thank our sponsors again." Kinindatan pa niya ito bago nagsimulang lumakad palabas ng coffee shop. Iiling-iling naman si Gabbrielle na iniwan niya. Saglit pa niyang nilingon si Stevie sa kinauupuan nito at nagulat siya ng makitang nakatingin din ito sa kanya. She flashed a sweet smile to him na parang tumutunaw sa kanya. Sa kabiglaan ay hindi siya nakapag react agad dahil na rin sa eratikong t***k ng kanyang puso sa hindi inaasahang pagngiti nito sa kanya. Mabilis siyang tuluyan ng lumabas at malalaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng arena. Damn! What are you doing to me woman? ----- ------ -------- Stevie's Hmmmp! Suplado talaga. Ang gwapo pa naman. Nasaisip ni Stevie ng magkatinginan sila ni "VP". Kanina niya pa kasi nararamdaman na parang may nakatingin sa kanya kaya inalis niya ang mata sa cellphone niya at hinanap kung may nagmamasid nga ba sa kanya. Natuwa siya ng makitang ang lalaking masungit ang nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ito ng matamis. Nawala ang ngiti niya ng hindi man lang ito nagpakita ng reaksiyon at naka-poker face lang na lumabas ng coffee shop. Inabala na lang niya muli ang sarili sa pag-scroll ng kanyang i********: account to see the latest posts of her friends. Natuwa siya ng makitang nasa club na pagmamay-ari niya nagpaparty ang ilan sa mga kaibigan niya. Her new established club is at BGC in Taguig City. Kaya naman The Club BGC ang ipinangalan niya roon. Umagaw pa ng pansin sa kanya ang trending topic na secret wedding nina Jazon Chan at Margaux Sy na kanyang naging malapit rin na kaibigan. Nakasama niya ito sa learning school for talents ng mga magulang niya noon. Her old friend looks happy on their wedding photos shared by their loved ones. Natutuwa siyang natagpuan na nito ang forever nito sa isang kilalang businessman na nagmula din sa kilalang angkan sa Pilipinas at abroad. Sigurado siyang kapag nakita at nalaman ito ng Mommy niya ay kukulitin na naman siya nitong mag-boyfriend ulit. And speaking of her Mom, makalipas ang ilang sandali ay tumunog na naman ang hawak niyang cellphone at nakita niyang Mommy na naman niya ang tumatawag. Pinababalik na siya sa loob at mag-i-speech na raw ang isa sa may ari ng Dark Knights Riding Club. Ipapakilala raw siya nito roon. Napaungol pa siya dahil doon. Sigurado naman siyang isa na namang matandang business man ang may-ari noon at irereto na naman sa kanya ang anak na binata ng kung sino mang owner ng DKRC. Naging hobby na kasi ng ina na ihanap siya ng makaka-date para naman daw magka-boyfriend na siya ulit. Ilang taon na rin kasi ang lumipas ng maghiwalay sila ng kanyang dating nobyo na isa ring celebrity. Kung sanang yung "VP" na yon ang anak ng may-ari. Mukha kasing mas mataas ang posisyon nito kaysa sa kanyang pinsan na si William sapagkat takot rito ang huli. Wala kasi siyang masyadong alam sa Riding Club na ito maliban sa member dito ang pinsan niya na palagi din nitong ipinagyayabang pero nababahag naman pala ang buntot kapag kaharap ang VP na yon. Kung naiiba siyang tao ay malamang na-intimidate na siya sa uri ng pakikitungo ni Mister Sungit, ngunit sa uri ng kanyang trabaho at ginagalawang industriya ng showbiz, mas marami pa siyang nakasalamuha na mas intimidating kaysa sa supladong "VP" na yon. Bakit ba kasi hindi ko naitanong kay William ang pangalan ni Mister Sungit. Pangalan nga kaya niya yung VP? She did a mental note to ask her cousin the real name of that suplado s***h gorgeous guy she just met. Crush ko na yata talaga siya. She smiled with that thought. After she finished her coffee, tumayo na siya at tumungo sa powder room ng DK coffee shop at nag-retouch ng kanyang make-up. When she feels satisfied with her looks, lumabas na siya ng naturang coffee shop and forced herself head back inside the charity event.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD