Stevie's
Stevie feel so bored at the moment. Nandito siya ngayon sa isang charity event na dinaluhan nila ng kanyang ina which is held at Dark Knights Arena in Zambales.
She went outside the arena to breath some fresh air. It's not like she doesn't like the idea of attending charity events like this. Wala lang talaga siya sa mood ngayon para makipag-sosyalan so she left her mother inside.
The charity event is actually a silent auction which means the items for auction are displayed for participants to inspect closely. In front of each item is a document called a bid sheet where interested bidders can place a bid silently and anonymously using a bidder number.
Antique collections ang mga nakadisplay sa loob ng arena na open for bidding. And at the end of the fundraising event, iipunin lahat ng kinita ng bawat nabentang item at ibibigay ang seventy percent noon sa charity institution na napili ng fundraiser.
Bago siya lumabas ay nagsabi na siya sa Mommy niya ng item na gustong niyang bilhin. Antique wine glass iyon na balak niyang i-display sa bagong tayo niyang club.
Marahas na napabuntung-hininga si Stevie at inilibot ang kanyang paningin sa labas ng DK Arena to find some relaxing and quiet place to stay for a while. First time pa lang niya rito sa Dark Knights Riding Club kaya hindi niya pa kabisado ang lugar. At kahit naman siguro ilang beses siyang makapunta rito ay mahihirapan siyang libutin ito sa isang araw dahil sa lawak ng nasabing lugar.
That's why ayaw na sana niya sumama sa Mommy niya dahil bukod pa sa sigurado siyang halos matatanda lang naman ang a-attend ay may kalayuan din ang Zambales mula sa Manila. Kinailangan nilang magpunta ng mas maaga para makapag-ayos at makapagpahinga muna bago ang event. Good thing ay mayroong express way at may nakalaang hotel rooms para sa mga guests.
She settled her eyes on a coffee shop few meters away in front of the arena.
Oh great! DK Coffee Shop.
Mukhang kailangan niya ngang magpalipas na lang ng oras dito at magkape habang hinihintay matapos ang event. Ayaw naman niya kasing iwan ang Mommy niya dahil paniguradong masesermon siya nito.
She walks glamorously towards the coffee shop. Her navy blue off-shoulder two piece cocktail dress is gracefully swaying with her every move. She walked with total confidence and elegance.
Hindi na siya nagtaka ng halos lahat ng kalalakihan na naroon sa labas ng coffee shop ay napanganga sa kagandahan niya.
Ganoon siya lagi. DDSS. Diyosang Diyosa Sa Sarili. Pero may karapatan naman siyang mag-feeling diyosa because she possessed a body and face of a goddess.
[Hi sa mga ka DDSS ni Stevie! Hahaha!]
May gwapong lalaking nakasuot ng Dark Knights uniform na napasipol at binati siya sa salitang espanyol. She's a half Spanish-american half Filipino by the way.
"Hola hermosa! Que te trajo aquí?" (Hello beautiful! What brought you here?) Bati ng gwapong lalaki sa kanya.
She just rolled her eyes on him and continue walking towards the door of the coffee shop. Si William Alonzo ang taong bumati sa kanya. He is her first cousin. Magkapatid ang kanilang mga ama. Alam niyang aasarin na naman siya nito kaya wala siyang balak pansinin ito.
"Galing ako sa club mo kanina." Habol pang sabi ng pinsan niya ng tangka na niyang bubuksan ang glass door ng shop. Napatigil siya sa sinabi nito. Matalim na tinging binalingan niya ang pinsan.
"Lulugihin mo ba talaga ang business ko?" Iritadong tanong niya rito. Bawat punta kasi nito sa club niya ay hindi ito nagbabayad kahit na nga ba umaabot ng halos sixty thousand pesos ang nagastos nito roon. Ang katwiran kasi nito ay magkamag-anak naman daw sila. Ang masaklap pa ay karay-karay nito ang mga kasamahan na member din ng Dark Knights Riding Club at kung ano-anong kayabangan ang pinagsasasabi.
"Hey! Easy Stevie. I just came there para bayaran lahat ng utang ko. Ikaw naman masyado kang high blood sa gwapo mong pinsan." Nagpapa-cute namang sagot nito.
"Should I say thank you dear cousin?" Sarkastiko niya namang saad kay William at pinameywangan pa ito. Wala siyang pakialam kahit nakaharang na siya sa pintuan.
"Oh c'mon Stev! Nagbayad na nga ko't lahat---"
"Ahm..Miss? Medyo nakaharang ka na sa daan. Kung may balak kang sermunan si Willy, huwag dito sa may pintuan." A baritone and authoritive voice interrupt what William is going to say. "At ikaw William!" Baling naman nito sa pinsan niyang parang bahagyang nahintakutan sa lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran. First time niyang makita si William na nahintakutan ng ganito sa isang tao. Usually ito ang nananakot.
"Have you forgotten already the No.10 rule? Respect our guests?" May bahid panenermon sa tinig nito.
Mabilis siyang lumingon para tignan kung sino ang may ari ng baritonong tinig na iyon na dahilan ng pagkatakot ni William.
She stilled when she finally layed her eyes to that gorgeous man in front of her now. Mabilis niyang napag-aralan ang gwapong mukha nito. He has a pair of hazel brown eyes possessed with so much authority and determination. A sharp jaw line, perfect pointed nose and a oh so sweet lips.
What? Sweet? Paano mo naman nalaman Stevielyne?
Mukha kasing napakatamis ng mga labi nitong mamula-mula. Hindi niya namalayang titig na titig na pala siya roon.
"I-I'm sorry VP, but there's nothing for you to worry. Stevie here is my cousin. We used to talked that way." Saad ni William na nagpatigil sa kanyang pag-aaral sa labi ng tinawag nitong VP.
VP? Is that his name?
"She's still our guest, Alonzo!" Mariin namang ganti dito ni 'VP'. She urged herself to step up to cut the tension. Ayaw rin naman niyang humaba pa ang usapan. Nagpunta lang naman siya dito para magkape at magpalipas ng oras,hindi para makipag diskusyon.
"Ahm Mr. VP?" Agaw niya sa atensiyon nito. Bahagya naman siya natigilan ng tumingin ito sa kanya. Parang may mga dagang biglang naghabulan sa loob ng dibdib niya ng magtama ang kanilang mga mata. Dammit! Why he has that affect on me?
"Yes Miss Stevie?" Putol nito sa saglit na pagkatulala niya. Mukhang napansin nito ang pansamantala niyang pagkatulala. Damn you self!
She cleared her throat before start talking again.
"W-William was right." Lumunok muna siya bago nagpatuloy sapagkat titig na titig sa kanya ang kausap. Naramdaman naman niyang lumapit sa kanya si William at bahagyang hinawakan nito ang kanyang siko na nagpalingon sa kanya rito. Parang nagwawarning ito na ayusin niya ang kanyang sasabihin dahil nakasalalay ang buhay nito sa isasagot niya.
"We're cousins, so there's nothing for you to feel agitated about it." Saad niya rito ng ibinalik niya rito ang kanyang paningin. "it's just one of our normal conversation." She said trying to convince him.
"Okay then. Please enjoy your stay here in DKRC." Nakahinga siya ng maluwag sa naging sagot nito. Bahagya na ring maaliwalas ang mga mukha nito. Madali naman pala kausap si pogi. "And William, I need your report of tonight's event first thing in the morning tomorrow alright? Maaga akong babalik sa Aurora bukas." Baling ulit nito sa kanyang pinsan sabay bira ng alis papasok sa DK Coffee Shop.
Naiwan silang nagkatinginan ni William. Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago sinipa sa tuhod.
"F*ck you, William Alonzo!" She cursed him before going inside the coffee shop.
"Ouch! Stevie naman! Mas matanda ako sa'yo! Ba't mo ko sinasaktan ha?"
Wala na siyang pakielam sa mga sinabi nito at nilayasan na lang basta.
Panira talaga ng araw! Naku! Isusumbong ko talaga siya kay Daddy at Tito Mauro mamaya!
Iritadong bulong niya sa sarili.
Narinig pa niyang inaasar ng mga iba pang member ng DKRC ang kanyang pinsan sa labas.
Pagpasok niya sa loob ng coffee shop ay awtomatikong hinanap ng kanyang paningin ang gwapong lalaking nagmamay-ari ng labing mukhang kaytamis.
I have to see his handsome face again. Ang sarap niya kasing mapanaginipan mamaya eh.
Nakita naman niya itong kausap ang mukhang manager ng DK Coffee Shop. And that manager is a 'she', which is a very beautiful woman with a sweet smile while talking to VP. VP is also smiling at that beautiful manager. Malayo sa itsura nito kanina habang kausap sila ni William.
Mas lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya everytime na ngingiti ito. But there's a sudden pinch in her heart while looking at the two exchanging their sweet smiles.
Is she his girlfriend or a special someone?
May panghihinayang siyang naramdaman sa isiping yoon. Crush na pa naman niya ang gwapong lalaki.
Tunog ng cellphone niya ang nagpatigil sa kanyang pagkatulala na naman sa pag-iisip patungkol kay VP.
Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang LV sling bag na nag-iingay. She knows it's her mom because of the assigned ringtone. She immediately swiped the screen of her latest smartphone to answer the call.