Elora’s Point of View "I AM so selfish," tumawa ako nang mahina. "All these years, iniisip ko na masasaktan lang si Sevi kapag nakita ka niya. All these years, iniisip ko na kasal ka na at may anak ka na sa iba. Ang hindi ko alam ay nag-suffer ka pala because of me." Nanumbalik ang mga luha ko but I tried to dry it right away. Kahit na paulit-ulit niyang sabihin na wala akong kasalanan, hindi pa rin maalis ang bigat nararamdaman sa puso ko. I held his face. Pinaglandas ko ang kamay ko sa mukha niya, paakyat sa ulo niya. I softly traced his hair, at mabilis nanamang nanubig ang mga mata ko nang may maramdaman doon. Pinahid ko ang luhang naglandas sa mata ko. Lumuhod ako nang kaunti at dahan-dahan na tiningnan ang ulo ni Seb. Nakita ko ang isa ngunit malaking sugat sa ulo niya na ngayo

