Elora’s Point of View KINAKABAHAN man, binuksan ko pa rin ang open na gate. Pumasok ako sa loob. I found out that our new neighbor is Seb. Tinanong ko kasi si Llan kanina nang sabihin nitong nasa malapit lang si Seb, at sinabi niya sa akin na kapitbahay namin ito. "Seb," tawag ko rito. Bukas ang pintuan kaya naman pumasok na lang ako sa loob. Walang ibang tao; tahimik din ang paligid. Umakyat ako. Dalawa ang kwarto sa itaas, at pumasok ako sa nakabukas na pinto. Dahan-dahan ang bawat galaw ko. Wala akong nakitang anino ni Seb. Nang tumingin ako sa gilid ng kama niya, bigla na lang nanubig ang mga mata ko sa nakita. Nakita ko ang picture namin ni Sevi, habang kumakain ng ice cream sa terrace. "I hate you. Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang lahat?" Ibinaba ko ang picture frame

