Elora’s Point of View "WHERE are we going, Mommy?" Sevi asked. Nasa sasakyan na kami ngayon. Papunta kami sa airport. Ngayon na ang araw na uuwi kami sa Maynila. Sa totoo lang, hindi pa ako handang makita si Dad. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako. "We're going to see your grandparents, son," sagot ni Sébastien. "Really, Daddy?" "Yes, son." Seb smiled at Sevi. Nagtatatalon naman sa upuan ang anak ko sa sobrang tuwa. Mukhang excited na excited siya. Si Llan ang driver namin, kaya kaming tatlo ang nasa likuran. "Baby," bumaling ako kay Seb. "Galit ka pa rin ba?" Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Napagdesisyunan ko rin na saka na lang sabihin sa kanya na buntis ako kapag nakapagpa-ultrasound na ako. Kita ko ang lungkot na bumalot sa mga mata niya nang hind

