Elora’s Point of View "THANK you, Doc Larrah," I said. Matapos ay nagpaalam na kami. Hindi maipinta ang mukha ni Sereia. Nakasimangot ito habang papasok kami ng sasakyan. Pinalabas ko kasi siya kanina matapos kong mag-PT; kaya ngayon ako lang at si Doc Larrah ang may alam ng result. "Bakit ba ayaw mong ipakita sa akin ang resulta?" She looked at the front mirror. Nasa backseat uli ako at siya ang nasa driver's seat. Hindi ko siya pinansin. I leaned back and closed my eyes. Naramdaman ko na lang na umusad ang sasakyan. Habang nakapikit, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nagmulat ako ng aking mga mata. Kinuha ko ito sa bag at tiningnan kung sino ang nag-message. Agad akong napangiti nang rumehistro ang numero ni Sébastien doon. Seb: Baby, where are you? Bakit wala ka sa

