Elora’s Point of View HUMINGA ako nang malalim bago pumasok sa meeting place namin. Kasama ko si Hera at si Sereia. Nakita ko agad si Mr. Ramiro na nakatayo sa gilid ni Seb. Sinamaan ko si Seb ng tingin nang ngumiti siya sa akin. Kumaway pa talaga siya. 'Anong akala niya, close kami?' Lumipat sa akin ang mga tingin ng mga taong nasa lamesa na kasama niya. Nasa isang restaurant kami; dito daw pinili ni Seb na mag-meeting para na rin makapag-breakfast kami. Naramdaman ko ang paghawak sa braso ko. "Ate Eli, anong ginagawa nya dito?" tanong ni Hera, si Sébastien ang tinutukoy. "Damn, ang hot pala ng ex mo sa personal, Eli!" Sinamaan ko ng tingin si Sereia. "Oh, sorry," Tumawa ito at nauna nang maglakad papunta kina Seb. Huminga ako nang malalim. Nilingon ko si Hera. "Ipapaliwanag

