Elora’s Point of View KUMUHA ako ng damit sa closet ko at inilagay sa kama saka dumiretso sa banyo. Nag-shower ako saglit at lumabas. Pinatuyo ko ang buhok gamit ang blower. I put on the dress and applied a little makeup—lipstick and powder—and that was it. Nagsuklay lang ako ng buhok at hinayaan na nakalugay. Sinuot ko ang stiletto. Sinulyapan ko ang relo ko, ilang minuto na lang. Nilingon ko ang pinto nang makarinig ng katok mula roon. Tumayo ako at binuksan iyon. It was Mr. Ramiro. He scanned me from head to toe, and I saw him smirk. “Let’s go?” Tumango ako at ngumiti siya. Lumabas kami ng hotel at dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. The staff greeted us. May kinausap si Mr. Ramiro na sa tingin ko ay isa rin sa mga staff. Tiningnan ko ang paligid. ‘Sino kaya dito a

