Sereia's POV NANG magising ako kinaumagahan, nasa loob na ako ng kwarto. Agad akong napatanong sa isip ko. ‘Paano ako napunta rito? Hindi ba sa top deck kami natulog ni Llan kagabi? Binuhat ba niya ako at dinala rito?’ Sumikdo ang puso ko sa isiping 'yon. “Please, heart, be still.” Saway ko sa puso kong naghuhumirintado sa sobrang bilis ng t***k. Umalis ako sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. After that, I went out of the room. Natigilan ako nang makarating sa sala. Napakurap-kurap ako nang makitang naglilinis si Llan. He was actually holding a broom and a dustpan while humming in an off-key voice. Parang ang saya-saya niya habang naglilinis. Hindi maiwasan ng mga mata ko na napatingin sa matitipuno niyang braso at dibdib. He's topless he looked so yummy a

