Sereia's POV SI Llan ang nagdala ng comforter sa top deck, and he spread it on the center. Ako naman ang may dala ng unan. Sa top deck kami matutulog, sa ilalim ng mga bituin. I thought that it was going to be fun. Llan went to the kitchen, at nang bumalik ito ay may dala na itong dalawang beer. Ibinigay nito sa akin ang isa at umupo kami sa comforter at tahimik na uminom ng beer. Ako ang unang bumasag sa katahimikan. "So, Llan, may tanong ako." Nakita ko ang pag-inom niya ng beer, bago tumingin sa akin. "Ano naman 'yon?" "Bakit may tubig tayo rito?" kunot-noong tanong ko. That had made me curious from the very beginning. "Well..." Inilapag nito ang canned beer at nahiga sa comforter, saka ginawang unan ang mga hita ko. Ayos lang 'yon sa akin. Naniniwala akong kaya kong rendahan ang

