Elora’s Point of View BUMUNTONG-HININGA ako. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok saka itinuon ang aking paningin sa pag-pirma ng mga papeles. Hanggang ngayon ay di pa rin talaga mawala ang inis ko dahil kay Uncle Seb. Di talaga ako nakapalag nang ito mismo ang mag-empake ng mga gamit ko. Siya mismo ang pumunta sa kwarto ko para kunin ang mga gamit na kakailanganin ko habang nasa condo nito. Nang tawagan ko naman si Dad, ay sinabi nitong sumunod na lang daw muna ako kay Uncle Seb. Para rin daw sa kapakanan ko iyon, para daw safe ako hanggang sa makabalik siya. Gustuhin ko man o sa hindi, wala na akong magagawa pa dahil di naman din ako makakapasok sa mansion hangga’t di pa nakakabalik si Dad. Napa-angat ang tingin ko nang bumukas ang pintuan ng opisina ko. Pumasok doon ang sekretarya ko n

