CHAPTER 38

4139 Words

HINDI kami nagpansinan ni Senyorito Alaric nang matapos ang pagtatalo naming dalawa. Tahimik akong bumalik sa ibabaw ng kama habang siya naman ay lumabas ng kwarto niya pagkatapos niyang magbihis. Nakatulala lamang ako at iniisip ang mga nasabi ko kanina. Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Papaanong hindi ko kayang iwasan si Aldrich? Dati ko siyang manliligaw, oo. Ngunit iyon lang iyon. Hindi kami magkaibigan na dalawa at kaya lamang kami may komunikasyon sa isa't isa ay dahil may pabor siyang hiningi sa akin at ganoon din ako sa kanya. Kaya nakapagtatakang nasabi ko iyon kay Senyorito Alaric kanina. Hindi sa gusto ko siyang sundin na iwasan si Aldrich. Lalo na at hindi ako alipin na susunod sa mga gusto niya. Sadyang napaisip lamang ako at iyon ang naibulalas ng bibi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD