NAG-IWAS ako ng tingin kay Senyorito Alaric at saka ko ito nilagpasan. Bagaman nagulat at nandidito siya ay hindi na iyon katakataka pa. Magkakilala sila ni Mayor Fuentez at sadyang nakalimutan ko lamang ang tungkol sa bagay na iyon. Inihakbang ko ang mga paa ko papalabas ng mansyon ng mga Fuentez pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang paghigit nito sa palapulsuhan ko. "Where are you going?" tanong nito sa baritonong boses. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga nito dahil sa pagpupumiglas ko. Napabuga ako ng hangin. "Bitawan mo ako, Senyorito Alaric!" madiin na saad ko ngunit imbis na pakawalan ay mas lalo niya pa akong hinigit patungo sa kanya. Hinapit niya na rin ako sa beywang ko at dumukwang malapit sa puno ng teynga ko. "Gusto mong ipaghiganti kita kina Fuentez? I sa

