MALAKAS ang dagundong ng aking dibdib na lumabas ako mula sa silid ni Cielo. Napabuga pa ako ng hangin at wala akong ibang naririnig kundi ang t***k lamang ng aking puso. Kung totoo man ang sinabi ni Cielo kagabi na ang malakas na pagtibok ng puso ang isa sa senyales na nagkakagusto ka na sa isang tao ay dapat ko na itong pigilan. Hindi ko iyon pwedeng bigyan ng pansin. Hindi iyon maganda. Hindi ito ang tamang pagkakataon para umibig ako sa isang lalake. Iba ang sitwasyon ko ngayon. At mas lalong hindi ko rin alam kung matatanggap ba ni Aldrich ang buo kong pagkatao oras na malaman niya na sinangla ko ang katawan ko mula sa taong kinamumuhian niya. Mula sa sala, tumayo si Aldrich nang makita ako. Hindi ko maitatangging bagay sa kanya ang suot niyang itim na suit. Napakalakas ng dating

