SA TOTOO lang ay napakabait masyado ni Aldrich. May respeto pa sa mga kababaihan. At hindi siya mahirap magustuhan. Minsan ko na rin sinabi sa sarili ko na halos lahat ng magagandang katangian sa lalake ay nasa sa kanya na. Pero dahil sa sitwasyon ko, hindi pwede. Mahirap magbigay ng tyansa lalo na at kapag ginawa ko iyon ay madami ang mawawala sa akin. Ayaw kong hindi mapagamot si nanay at mas lalong ayaw kong mabulok si tatay sa kulungan. Mas uunahin ko pa rin ang pamilya ko kesa sa tinatawag na pag-ibig. Narinig ko ang paghugot niya ng mabigat na paghinga bago ko naramdaman ang pag-alis niya sa pagkakadukwang sa akin. Mula sa gilid ng kaliwa kong mata ay nakita ko ang pagbalik nito sa kinauupuan niya. Ginulo nito ang kanyang buhok bago tahimik na pinasibad ang sasakyan. At sa buon

