KAKAIBA at tila may panghuhusga ang mga tinging ipinukol sa akin nang ihakbang ko ang aking mga paa papasok sa loob ng silid. Nakakaramdam ako ng malakas na pagkalabog ng dibdib ko. Pero imbis na iyuko ang aking ulo ay taas noo akong naglakad ng dire-diretso. "Ganyan nga, Ysa! Diretso ka lang! 'Wag mo ipakitang natatakot ka at mas lalo ka lang nilang aapihin," bulong ni Cielo mula sa gilid ko. Ramdam ko na pinapalakas nito ang loob ko. Nagkita kaming dalawa sa labas ng cafeteria matapos ang nauna niyang klase. Doon ko na napagdesisyunang makipagkita sa kanya. Hindi rin naman kasi ako nagtagal doon sa likod ng unibersidad at pakiramdam ko ay kinakain ako ng lungkot sa sobrang tahimik ng lugar. Kung anu ano ang naiisip ko doon. At ngayon nga ay oras na ng sunod na klase namin. At iba't i

