CHAPTER 5

2135 Words
"f**k! Ysa, ang sarap-sarap mo talaga!" Hindi ako makakilos. Hindi ko namalayan kung paano ako nahantong sa ganitong sitwasyon ngunit nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama habang naka-ibabaw sa akin si Senyorito Alaric at walang tigil na umuulos sa pagitan ng mga hita ko. Parang kanila lamang ay nakita ko siya sa labas ng resto. Napapikit ako upang pigilan ang pagdaing ko. Taliwas sa nararamdaman ng katawan ko ang naiiisip ko. Nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya ngunit ayaw tanggapin ng isip ko. Hindi ito pwede! Nilinlang ako ng lalakeng ito at pinakaladkad sa mga tauhan niya. "Moan my sweet innocent, Ysa. Or else paalisin ko kayo sa lupa ninyo," bulong ni Senyorito Alaric habang pisil pisil na ang kanang dibdib ko. Napakuyom ako ng kamao. "A-ayoko na. T-tama na. M-maawa ka sa akin, Senyorito—” "Ysa, anak…” Naputol ako nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa pisngi ko at tila bumalik ako sa ulirat. "Anak, binabangungot ka…” Naidilat ko ang mga mata ko at bumungad sa harapan ko si Nanay. Bagaman may kadilimam sa loob ng aking kwarto ay mababakasan pa rin na nag-aalala ito sa itsura pa lamang niya. Napabangon ako at niyakap ito ng mahigpit. "N-nay," ani ko na humahangos pa. "Ayos ka lang ba? Anong napanaginipan mo? Naririnig kitang dumadaing nang mapadaan ako sa silid mo matapos kong magtungo sa banyo," nag-aalala pa rin ang tono ng boses na aniya. Naramdam ko pa ang paghaplos ni nanay sa likod ko matapos nitong iabot sa akin ang isang baso ng tubig. Napailing naman ako matapos kong inumin iyon. Panaginip lang ang lahat. Hindi totoong kasama ko ngayon si Senyorito Alaric. Hindi totoong nakita ko siya sa labas ng resto. Napabuga ako ng hangin at humiwalay kay nanay. Hinaplos naman nito ang mga mata ko na hindi ko namalayang may luha pala. "May kasintahan ka na ba anak? At sa panaginip mo ay nahuli mo siyang may babae?" tanong ni nanay. Alam ko naman na pinapagaan lang niya ang nararamdaman ko. Ngunit imbis na matuwa ay mas lalo pa akong nadismaya. Mas masama pa sa naiisip ni nanay ang laman ng panaginip ko. Ilang linggo na rin ang nakakaraan at ngayon ko lamang napanaginipan si Senyorito Alaric. At hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon. "W-wala ho." Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Matapos ang nangyari, hindi na ako nararapat pa sa kahit na sinong lalake. Hindi na ako buo. Marumi na akong babae. Tumango naman si nanay. Bagaman ramdam ko ang pag-aalala nito ay mas pinili na lamang nitong 'wag mag tanong. "Minsan ay dala na rin ng pagod kaya nananaginip ng masama ang isang tao, anak. Kaya kung ano man iyan ay 'wag mo nang isipan ha? Hindi iyan magkakatotoo," imbis na saad ni nanay bago ako hinalikan sa noo at nagpaalam na babalik na ito sa kwarto nila tatay. Nang hindi ko na matanaw si nanay ay saka ko lamang inialis ang paningin ko sa pinto ng kwarto ko. Muli akong napabuga ng hangin. Marahil ay tama si nanay. Dala lamang ng pagod ang masama kong panaginip. Linggo kasi bukas at walang pasok kaya tinodo ko ang pag trabaho sa resto kanina. Ngunit ang sinabi niyang hindi magkakatotoo ay malabong hindi mangyari. Nakuha na ako ni Senyorito Alaric at itong panaginip ko ay dala ng takot sa huli. Sa muling pagkakataon ay muli akong napahinga ng malalim at bumalik sa pagkakahiga. Matagal akong napatingin sa bubong ng aming bahay. Naisip ko kung paano naatim ni Senyorito Alaric na linlangin at lokohin ako. Binigay ko ang gusto niya ngunit hindi siya tumupad sa usapan naming dalawa. At natatakot ako na baka isang araw, mapaalis na kami dito. At hindi ko alam kung saan na kami pupulutin ng mga magulang ko. *** MAAGA akong bumangon sa higaan kinabukasan at tumulong kina tatay sa bukid. Hindi na rin naman kasi ako nakatulog kagabi kaiisip sa napanaginipan ko. Natatakot ako na baka pag natulog ako ulit ay iyon na naman ang pumasok sa panaginip ko. "Ysa, magmeryenda ka na muna dito, anak! Pasado alas dyes na." Mula sa pagkakayuko ay napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ni tatay. Tumango ako dito matapos kong bitawan ang palay na tinatanim ko. "Sige ho, Tay..." pasigaw na sambit ko naman. Umalis ako sa putikan at nagtungo sa poso para maghugas ng kamay at paa dahil punong puno na iyon ng putik dahil sa pagtanim ko kanina. Matapos ay nagtungo na ako sa kubo. Naabutan ko pang magkausap si Tatay at Manong Rudy. Marahil ay wala din pasok ang huli sa asyenda bilang gwardya dahil linggo ngayon. Sakto at napabisita ito. "Sa susunod na buwan niyan, madami na naman kayong aanihing palay, Sito. Napakalaking tulong talaga nitong bukid ninyo ano," dinig kong sambit ni Manong Rudy. Nakita ko naman ang pagtango ni Tatay. "Malaking tulong talaga lalo na sa pag-aaral ni Ysa. Alam mo naman na hangga't kaya ko ay itataguyod namin siya ng nanay niya. Naaawa na nga ako sa batang iyon at nagta-trabaho pa sa centro. Laking pasasalamat ko rin at hanggang ngayon nasa sa amin pa rin itong lupain," mahabang ani tatay. Hindi maiwasang maantig ng puso ko dahil sa sinabing iyon ni tatay. Kaya nga nag-aaral din akong mabuti para mapalago itong sakahan namin. At ayaw ko rin na nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko na magtrabaho sa bukid. Napatango si Manong Sito. "Oo nga. Noong nakaraang linggo ay nagtungo si Ysa sa mansyon para kausapin ang Senyorito Alaric—” Bigla ay naalarma ako sa sinabing iyon ni Manong Rudy. Mabilis din na dumagundong ang dibdib ko. Hindi alam nila tatay ang ginawa kong iyon. Natatakot akong malaman nila kung ano ang ginawa sa akin ni Senyorito Alaric. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalawang matanda. Nagmano ako kay Manong Rudy saka nginitian ito bago naupo sa tabi ni tatay. "A-anong meryenda natin, Tay?" sambit ko, hindi pinapahalatang kinakabahan ako. "May pansit at turon diyan, anak," sagot naman nito. Agad naman akong tumalima. Akala ko ay makakalusot na ako ngunit nang makita kong bumaling si Tatay kay Manong Rudy ay halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. "Ano nga iyong sinasabi mo, Rudy?" tanong ni tatay. "Alin ba? Iyong tungkol sa sakahan ninyo?" ani naman ng huli habang kumakain ng pansit. Umiling si tatay. "Iyong nagtungo itong anak ko sa mansyon?" Hindi na ako makagalaw mula sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay naririnig ko na ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Wala silang alam doon at nagi-guilty ako. "Ah hindi ba nabanggit sa inyo iyon ni Ysa?" ani Manong Rudy at bumaling sa akin. "Sa tingin ko naman ay napakiusapan mo ang Senyorito, ano Ysa? Dahil kung hindi baka matagal na kayong napaalis dito." "Kinausap mo ang Senyorito, anak? Iyon ba ang rason bakit bigla nilang itinigil ang pagpapalayas sa atin dito?" Bumaling sa akin si Tatay. "Napapayag mo ang batang Ferranci na 'wag tayong paalisin dito? Ano ang hiningi nitong kapalit?" dagdag pa nito. Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. Napatikhim naman ako at napabuga ng hangin. Hindi ko pa rin magawang magsalita. "Prinsesa..." Napalunok ako nang tawagin na ako ni tatay sa buo kong pangalan. Ramdam ko rin ang kaseryosohan nito sa kanyang boses. "T-tay..." Dahan-dahan akong lumingon dito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Ano ang hiningi sa iyong kapalit ng batang Ferranci?" pag-uulig ni tatay sa tanong niya kanina. Alam ko na masama ang magsinungaling. Pero sa ikabubuti naman ito ng lahat. Hindi pwedeng malaman ng mga magulang ko kung ano ang hininging kapalit ni Senyorito Alaric kapalit ng titulo ng lupa namin. Hindi nila pwedeng malaman na matapos kong ibigay ang puri ko sa huli ay pinakaladkad ako nito palabas ng asyenda. Hindi nila pwedeng malaman dahil masasaktan lang sila. Napabuga ako ng hangin at tiningnan ng diretso sa mga mata si tatay. Hindi niya pwedeng mahalatang nagsisinungaling ako sa magiging sagot ko. "W-wala ho. Wala hong hininging kapalit ang Senyorito Alaric," dire-diretsong sagot ko na tila totoo ang mga sinasabi ko. Matagal akong tinitigan ni tatay bago ito tumango at siya na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. Napailing ito. "Pagkatapos mong mag meryenda ay umuwi ka na. Magpahinga ka at baka may gagawin ka pang proyekto sa eskwela." Kahit wala naman akong gagawin ay tumango na lamang ako kay tatay upang maka iwas na rin. "S-sige ho." Ang pagbigay ko ng aking puri kay Senyorito Alaric ay mananatiling lihim lamang mula sa aking mga magulang. Tama nang ako lang ang mahirapan. Ang importante ay nasa sa amin pa rin ang lupa ngayon. *** DAHIL sa wala naman kaming elektrisidad sa bahay at walang paglilibangan ay maaga akong natulog kinagabihan matapos maghapunan. Laman pa rin ng isipan ko ang napanaginipan ko kagabi kahit anong gawin kong paglibang sa sarili ko. Mabuti na lang din at kahit medyo wala ako sa sarili ko maghapon ay mukhang nakalimutan na ni Tatay ang napag-usapan namin kanina sa bukid. Nagdasal muna ako bago matulog. At ipinagpalasalamat ko na naging mapayapa at mahimbing ang pagtulog ko. Saktong alas sais ako naggising kinabukasan. Alas otso ang pasok ko sa University. Masyado pang maaga pero mas minabuti ko nang bumangon na. Matapos kong tupiin ang pinaghigaan ko ay lumabas na ako ng silid ko. Dumiretso ako sa lababo sa kusina at naghilamos. Lumabas ako ng bahay at naabutan kong nagkakape si nanay at tatay sa kubo malapit sa bukid. Tumikhim ako at saka lumapit sa kanila. Ngunit bumagal ang paglalakad ko nang mapansing seryosong nag-uusap ang mga magulang ko. "Basta mag-oobserba ako, Amy," dinig kong sambit ni tatay bago ako tuluyang makalapit sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang tinitukoy na pag-obserba na iyon ng tatay ko ngunit naging laman iyon ng isipan ko. Iba kasi ang awra nila nanay kanina. Tila natatakot ang emosyong nakikita ko sa itsura nila. "Ysa! Kanina pa kita hinahanap! Kung saan-saan ka nagsusuot! Dito lang pala kita matatagpuan! Nabalitaan mo ba?!" Mula sa pagbabasa ng libro ay napaangat ako ng tingin kay Cielo dahil sa lakas ng boses nito. Sinenyasan ko pa nga itong tumahimik lalo na at nasa library kami. Napatingin pa nga sa amin iyong librarian at tiningnan kami ng masama. Matapos ang klase namin kaninang alas otso hanggang alas dyes, bakante na kami hanggang ala una ng hapon. Masyado pa naman maaga para mananghalian. Kaya naisipan ko na lamang na tumambay dito sa library. Nagpaalam naman ako kay Cielo kanina sa cafeteria na tutungo akong library. Nakalimutan niya ata o sadyang hindi lang siguro siya nakikinig at abala siyang makipag-usap doon sa babae kanina na kung hindi ako nagkakamali ay taga-engineering. "Ano ba 'yon? Saka 'wag ka ngang maingay!" ani ko at hinila ito paupo sa tabi ko. Natural na rin kasing malakas ang boses ng isang ito. Akala mo may kaaway tuwing nagsasalita pero wala naman. "Eto na nga! Kilala mo si Martina? Iyong sikat sa engineering? Iyong ligawin sa department nila?" pabulong ngunit pasigaw na ani Cielo sa akin. Nangunot naman ang noo ko saka umiling. Muli kong hinawakan ang libro at bumalik sa pagbabasa. "Hindi," simpleng saad ko. Hindi ko naman kaylangang kilalanin ang mga estudyante dito. Mas madami pa akong kaylangang unahin kesa doon. "Anu ba 'yan! Basta iyong pambato ng engineering tuwing may pageant. Iyong maputi at makinis na matangkad," muling ani ni Cielo sa akin. Napabuga naman ako ng hangin. May exam kami mamaya kaya nag-aaral ako. Pinipilit kong makabawi sa klase lalo na at mababa ang mga scores na nakuha ko last week. At pag ako bumagsak, kasalanan ito ni Cielo. "Anong meron doon?" tanong ko, nakatutok pa rin ang mga mata ko sa libro na hawak ko. "Iniwan daw ng boyfriend. At alam mo kung bakit iniwan ng jowa?" Umiling ako. "Hindi. Cielo, may exams tayo mamaya—” "Gagi! Tanungin mo ako kung bakit." Muli akong napailing. "Cielo, sabi ko may exam tayo. Mamaya na iyan. Hindi natin problema kung bakit iniwan siya ng kasintahan niya—” Sa pangalawang pagkakataon ay naputol ako sa sinasabi ko nang magsalita muli si Cielo, "Iniwan daw si Martina kasi nung may nangyari dito at sa jowa nito ay nalaman na hindi na virgin si Martina." Sa sinabi niyang iyon ay saka lamang niya nakuha ang atensyon ko. Nabitawan ko pa ang hawak kong libro. "H-ha?" nasambit ko. "Oo grabe! Hindi ako makapaniwala! Grabe si Martina! Sinayang niya iyong ganda niya. Hindi na virgin. Naku kahit gaano pa siya kaganda, mahihirapan na siya niyan makahanap ng lalakeng magmamahal sa kanya ng totoo. Bakit kasi binigay niya kaagad ang puri niya. Iyan pa naman ang importante sa lahat." Napatungo ako. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Hindi ako si Martina pero tinamaan ako sa mga sinabi ni Cielo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD