MATAGAL na walang imik ang Senyorito Alaric. Salubong lamang ang magkabilang kilay nito habang nakatingin sa akin. Alam ko naman na hindi nito nagustuhan ang ginawa kong pagtutol sa gusto niyang mangyari sa amin. Ngunit hindi naman pupwede ang bagay na iyon. Wala pa kaming kontratang napag-uusapan at kung tutuusin ay iyon ang dahilan kung bakit ako sumama sa kanya at heto siya, ilang beses nang nagpakasawa sa katawan ko. “Senyorito Alaric, ilang oras na tayong magkasama. Buong magdamag pa nga. At hanggang ngayon ay hindi pa rin natin napag-uusapan ang kung anu talaga ang pakay natin sa isa’t isa,” hindi ko na nga maiwasang maisatinig ang nasa isipan ko. Binasag ko na rin ang katahimikan at wala akong mapapala doon. “Kaylangan ko na ring makabalik sa Cordova,” dagdag ko pa. Nakita ko

