HINDI ako nag-reply sa pinadalang mensahe ni Senyorito Alaric. Bagkus ay binalik ko ang cell phone sa ilalim ng unan ko. Wala naman akong dapat na sasabihin sa kanya. Maghihintay lang ako ng text kung saan at anung oras kami magkikita. Bumalik ako sa pagkakahiga at matagal na tumitig sa bubong ng kwarto ni Cielo. Wala rin kasi itong kisame katulad ng bahay namin noon. Hindi ko mabilang kung ilang minuto na ba akong nakatulala doon nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Cielo. “Gising ka pa rin, Ysa…” aniya at saka nagtungo sa cabinet niya. Nakita kong kinuha nito doon ang libro na ginagamit namin sa eskwela. “Hindi ako makatulog,” ani ko at saka bumangon. “Cielo—” Tumikhim ako upang makuha ko ang atensyon niya mula sa pagbuklat ng libro. May kung ano itong binabasa do

