KAPWA kami nagkatinginan ni Cielo. Pareho kaming nagtataka kung anu ba ang ginagawa ni Aldrich dito sa klase ni Mrs. Rosello. Hindi naman kasi siya mukhang estudyante dito. At sa tingin ko ay matagal nang nakapagtapos si Aldrich dahil matanda ito sa akin ng ilang taon. "So, guys, as I was saying, I am Aldrich Fuentez and I will be your substitute teacher while Mrs. Rosello is on leave," anito matapos sumulyap sa amin ni Cielo. Nagulat naman ako sa narinig kong iyon. Natigilan ako. At maging si Cielo ay nagsalubong din ang magkabilang kilay. "What are you still standing there? Are you belong to this class, Ladies?" muling baling sa amin ni Aldrich. Pinagtitinginan na kami lahat ng nakaupo. Siniko ako ni Cielo at tahimik akong hinila sa upuan sa hulihan. Tumikhim naman ako at sumagot kay

