KUNG assumera lamang akong tao ay iisipin ko na talagang sinusundan ako ni Aldrich kung nasaan man ako dahil una, ito ang naging substitute instructor namin sa minor subject na English. Ngayon naman ay ito ang driver ng van sa pagpunta namin sa iba't ibang bar. Hindi malabong dahilan kung bakit siya nandidito ay dahil na rin sa akin. O pwede rin namang nagkataon lang ang lahat. Nagkataon na siya ang kinuhang substitute instructor at nagkataon din na siya ang driver. Magkaibigan sina Aldrich at Sir Lui. Kaya pwedeng kinuha rin ng huli si Aldrich upang magmaneho ngayong gabi. Madami ang posibilidad kung bakit nandidito siya ngayon. Ngunit anu man ang totoong dahilan niya ay labas na ako doon. Wala akong oras para pagtuunan iyon ng pansin lalo na at trabaho ang pinunta ko dito. "Ysa, girl

