KUNG gaano kabigat ng mga problemang dinadaan ko ngayon ay siya rin namang bilis ng paglipas ng mga araw. Isang linggo na ang nakalilipas at mas lalo pang bumubuti ang lagay ni nanay. Sinabi rin ni Nurse Thea na may posibilidad na pwede na itong makalabas sa ospital. Bagaman hindi na napagtitripan si tatay sa kulungan ay naiinip na ito doon at nangungulit na kung kaylan siya makakalabas. Namimiss na raw nito ang buhay sa labas at ang nanay. Gusto niya na kaming makasama. At hindi na rin ako makapaghintay sa pagdating ng araw na iyon. "'Wag ho kayong mag-alala, Tatay. Malapit na ho kayong makalabas," nakangiting ani ko pagbisita ko araw ng sabado. Dahil na rin sa pagod ko sa trabaho ay tinanghali na ako naggising. Matapos kong mag-asikaso sa bahay nila Aling Susana ay napagdesisyunan kong

