PINILI ni Aldrich na sa downtown kami magkikita. Nagbigay siya ng saktong address kung saan doon banda. Hindi rin naman ako nagtagal sa byahe at makalipas lang ang mahigit twenty minutes ay nakarating na ako sa address ng pagkikitaan naming dalawa. Luminga ako sa paligid pagkababa ko ng d'yip dahil na rin bumungad sa harapan ko ang isang bar. Madalas ko itong madaanan sa tuwing papasok ako sa trabaho kaya alam ko din iyon kahit papaano. Ang pinagtataka ko lang ay bakit mas pinili ni Aldrich na dito kami magkikita. Binuksan ko ang bag na dala ko at hinanap doon ang cell phone. Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. To:Aldrich Nandito na ako sa tapat ng bar, Aldrich. Matapos kong ma-i-send iyon ay binalik ko na ang cell phone sa bag at saka naghintay sa huli. Palinga linga pa ako sa pa

