HINDI rin naman kami nagtagal ni Aldrich kay Sir Lui at agad na kaming nagpaalam na mauuna na matapos naming mag-usap at may lakad pa kaming pupuntahan. Tumayo si Aldrich at bahagyang niyakap si Sir Lui saka tinapik sa balikat. "Maraming salamat pare. I owe you this. Bawi ako sa 'yo next time," anito sa kaibigan niya. Tumango naman ang huli at saka ngumiti. "No problem bro. I got you anytime. Just call or text if you need help..." Napangiti ako habang pinagmamasdan silang magkaibigan. Nakakatuwa at solid din ang relasyon nilang dalawa. Parang katulad lamang sa amin ni Cielo at handang magtulungan kahit na anong oras. "Ikaw din, Pre. If you want something or kung gusto mo ng kainuman, just call me. So paano? Aalis na kami. May lakad pa kami ni Princesa. Luluwas pa kami ng siyudad," ani

