“Y-YSA, I’m sorry talaga. Patawarin mo ako. Kasalanan ko kung bakit nangyari iyong kanina.” Naramdaman ko ang pagpisil ni Cielo sa kanang kamay ko na tila pinapalakas niya ang loob ko. Ramdam ko rin sa boses niya ang konsensya at pag-aalala niya. Dinala nila ako dito ni Clint sa likod ng unibersidad. Pilit nila akong pinapakalma ngunit walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit-sakit na mahusgahan kahit hindi naman totoo ang mga sinabi ni Rhona. Bukod sa tinawag niya akong anak ng criminal, hinusgahan niya rin ang p********e ko. “Ysa—” Umiling ako kay Cielo. Nasa harapan ko sila ni Clint at kapwa naka-squat habang puno ng pag-aalala ang kanilang itsura. “C-Cielo, h-hindi totoo ang sinabi ni Rhona. H-hindi ako m-malandi at h-hindi ako p-pokpok at mas lalong hindi ko inakit ang

