ALAM ko na mali ang sumuway sa magulang. Pero dahil sa kinakailangan kong gawin ito—kahit ngayon lang ay hindi ako makikinig kay tatay. Alam ko rin na madidismaya lang muli ito sa gagawin ko. Pero sana pagdating ng panahon ay maunawaan niya ako na para sa kanila ang gagawin kong ito. Natuto na ako at hindi na magpapauto. Makikipaglaro ako sa apoy kung kinakailangan. Babawi ako. Gaganti ako. Masakit ang puso ko pagkagaling ko sa prisinto. Kita ko kasi sa mga mata ni tatay ang iba’t ibang emosyon. Hindi siya sangayon sa gagawin ko pero wala nang iba pang solusyon dito. Napabuntonghininga ako at saka nag-abang ng masasakyang d’yip. Inayos ko ang sumbrelo at mask na suot ko. Tutungo ako sa asyenda. Hindi ako sigurado kung nanduduon ba ang Senyorito Alaric o nasa ospital ito pero susubukan

