“SIGE na! Gibain niyo na! At ikaw, Miss, magligpit ka na ng gamit ninyo at pwede ka nang lumayas dito,” saad ng lalakeng kausap ko at tinalikuran ako. Ngunit bago niya iyon ginawa ay inapak-apakan niya pa ang titulo ng lupa na pinunit niya. “S-sandali lang naman!” Hinabot ko ito at hinawakan sa kanan niyang braso. Napailing ako. “Hindi ninyo pwedeng gawin iyan! Nasa sa akin ang titulo!” ani ko at pinulot iyon sa lupa. Nailing naman ang lalake. “Ang kulit! Sinasabi nang peke ang hawak mo. Hindi mo kami malilinlang,” anito at nagawa pa akong itulak sa balikat ko. Dahil dala na rin ng panghihina ay napaupo ako sa lupa. Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Cielo. Hinaplos nito ang likod ko. Umiling naman ako ng paulit ulit. “C-Cielo, p-paanong naging peke ang hawak kong titulo? Si Sen

