HINDI ko na nilingon pa si Senyorito Alaric hanggang sa tuluyan akong makapasok sa bahay. Hindi ko siya maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Nahihibang na siya at malabong ibigay ko pa ang katawan ko sa kanya. Nasa sa akin na ang titulo ng bahay at lupa namin. Hindi niya na iyon mababawi pa. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng bahay. Akmang didiretso na ako sa silid ko nang maabutan kong nasa hapag si tatay. Kahit hindi pa rin ako kinakausap ni tatay ay nagawa kong lumapit dito. “M-mano po, T-tay. Bakit po gising pa kayo?” ani ko at inabot ang kamay niya. Habang ang huli naman ay nakatingin lamang ng diretso sa tasa ng kape na nasa kanyang harapan. Tila wala itong narinig. Ni ang sulyapan din ako ay hindi niya ginawa. Napabuntong hininga ako nang wala akong makuhang tugon mula k

