SI Cielo na ang unang umiwas sa akin. Matapos naming mag-usap ay hindi niya na ako pinansin pa kahit hinabol ko siya. Ni ang sulyapan ay hindi niya ginagawa kahit tampulan ako ngayon ng tukso sa blockmates namin. Alam kong concern lang siya at nag-aalala sa akin. Pero hindi niya suot ang sapatos ko kaya hindi niya alam ang nararamdaman ko. At hindi ko hinihiling na maranasan niya ang nangyari sa pamilya namin dahil nakakabaliw, nakakapanlumo at nakakawala ng pag-asa at wala nang ibang maisip pa na paraan kundi ay ang kumapit sa patalim. Siguro ay tama rin na umiwas siya dahil maging ako ay iyon na rin ang gagawin sa kanya. Mapait akong napangiti. Tuluyan na ngang nasira ang pagkakaibigan namin. “Uy! Nandyan na si Princesa! Akala ko ba ay mahinhin at mailap sa mga lalake? Iyon pala ay

