“UULITIN ko, Prinsesa! Ano iyang nasa leeg mo?!” Napapitlag ako sa gulat nang hampasin ni tatay ang mesa nang hindi ako makasagot sa tanong niya kanina. Ni hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya. Ano ang isasagot ko? Kahit magsinungaling ako ay alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Tinatanong lamang ako ni tatay ngunit nakasisiguro akong alam na niya ang sagot sa tanong niya. Gusto niya lamang ng kompirmasyon mula sa akin. “T-tay…” Napailing ako. Hindi maaaring sabihin ko sa kanya ang totoo na gawa ito ni Senyorito Alaric. “Sito, anu ba iyang sigaw mo? Dinig sa labas?” Bigla ay pumasok si nanay sa pintuan namin sa kusina. Bitbit pa nito ang tasang pinagtimplahan niya ng gatas. “Tingnan mo iyang leeg ng anak mo at napakadami ng pulang marka!” galit na galit na saad ni tatay

