KADESPERADUHAN—iyan ang nararamdaman ko dahil sa problemang dinadaanan ng pamilya namin kaya rin siguro ay walang pagdadalawang isip na sumama ako kay Senyorito Alaric dito sa loob ng sasakyan niya. Nilabanan ko ang takot ko nang makita kong lumabas ito sa pulang sasakyan kanina. Ramdan ko ang mariing titig nito sa akin mula ulo hanggang sa aking baba ngunit hindi ko iyon ininda. Bagkus ay lumapit pa ako sa kanya. Gusto ko siyang makausap para bigyang linaw ang pagmamasid niya sa tapat ng aming bahay. Gusto ko nang tuldukan ang problemang ito. Naaawa na ako kay tatay. “A-ano pa ba ang kaylangan mo, Senyorito Alaric?” nakatungong saad ko dito matapos nitong magmaneho papalayo sa tapat ng bahay namin. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa kamay upang kahit papaano ay mawala ang tensyon

