SA buong durasyon ng pag kain namin ni Senyorito ay hindi na kami nag-usap. Walang nagtangkang magsalita matapos ma-i-serve ang pagkain sa mesa namin. Napupuno ng galit ang dibdib ko dahil sa pag-angkin niya sa akin. Akala niya ay sa kanya ako. Ngunit walang ibang nagmamay-ari sa sarili ko kundi ako lang. Wala siyang karapatang angkininin ako. Binabayaran niya lang ang katawan at serbisyo ko ngunit hindi ang buo kong pagkatao. “Are you done? We’re leaving,” baritong aniya nga makaraan ang halos labing limang minuto. Tapos na itong kumain habang ako naman ay katatapos pa lang. Hindi pamilyar sa akin ang mga kinain namin. Natagalan ako sa paghimay ng mga dahon na tila damo. Iyon pala ay kinakain din iyon. “Mauna ka na sa sasakyan, Senyorito,” malamig namang tugon ko sa kanya. Naiinis pa

