KANINA pang nagmamaneho ang Senyorito Alaric at wala akong ideya kung saan ba kami pupunta. Panay na ang hikab ko ngunit hindi naman ako makatulog lalo na at hindi ako mapakali sa aking kasama. Nakalagpas na rin kami ng downtown. Hindi rin namin dinaanan ang daan patungong San Joaquin at sa kanilang asyenda. Kaya ay lubusan na akong nagtataka. Unti-unti na ring kinakain ng kaba ang dibdib ko. “S-Senyorito Alaric…” Pagkuha ko sa atensyon nito. Binasag ko din ang katahimikan at kanina pa kaming walang imik na dalawa. Tila walang narinig at hindi man lang ako nilingon ng huli. Inabot ko ang kanang braso nito at saka lamang ito bumaling sa akin. “What Ysa? I’m driving,” seryoso ang baritonong boses nito. “S-saan ho tayo pupunta? K-kanina ka pang nagmamaneho,” ani ko dito. Magdadalawang ora

