PAPASIKAT na ang araw nang ihatid ako ni Clint sa bahay nila Cielo. Hindi na rin kami nagtagal doon sa boulevard at nang magliwanag ay nag-aya na akong umuwi. Kahit papaano ay naliwanagan ako sa sinabi niya. May punto iyon. Totoong matatapos din ang lahat ng problema ko at hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging lugmok ako. Kaylangan ko lang talagang maging malakas para harapin ang lahat ng ito. "Sa tabi na lang, Clint," mahinang ani ko sa kanya. Namamalat ang boses ko. Ang sakit din ng lalamunan ko. Bukod pa doon ay parang luluwa ang mga mata ko. Dala siguro ito ng pag-iyak ko buong magdamag. Inihinto ni Clint ang motor niya sa tapat mismo nang bahay nila Cielo. Saktong pagkababa ko ay siya namang paglabas ng huli sa bahay nila. Magkakrus ang magkabilang braso nito sa tapat ng dibdib

