SIGURO ay kabilang na ako sa mga taong mapagkunwari at mapagpanggap dahil kahit alam ko naman na bad news ang dala ng sulat na iniabot sa akin ni Cielo ay nagkunwari pa rin akong ayos lang ako. Hindi ko pinakita sa kanya na naapektuhan ako sa kabila ng nakakaramdam ako ng panghihina ng buo kong sistema. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Cielo. Nakatulala lamang ako sa kawalan habang ang huli naman ay nasa gilid ko at tila pinapakiramdaman ako. Ginagap nito ang kaliwang kamay ko at marahang pinisil iyon. “Kumain ka na ba, Ysa?” nag-aalala ang boses na tanong niya. Umiling ako. “Hindi ako nagugutom, Cielo,” tugon ko naman ngunit ang totoo ay kumakalam na din ang sikmura ko. Pero dahil sa sulat ng dean ay nawalan ako ng gana. Napabuntonghininga ako. “Papasok ako mamaya sa t

