ANDREA POV MAHINA siyang napatawa sa naging reaksyon ni Randall. Imbes na mainis o ma-offend sa mga pinagsasabi nito tungkol sa tatay ng anak niya, lalo lang siyang na-cute-an sa binata. He was glaring at her so intensely, pero ang totoo, mukha itong batang nagmamaktol na ewan dahil hindi nakuha ang gusto. Hays, Randall... kung alam mo lang sana kung sino talaga ang tinutukoy ko. Bahagya niyang nakita ang pagtataka at kalituhan sa mukha nito nang mapansin hindi siya natitinag sa galit nito. She just gave him a soft, bittersweet smile. "Mahal na mahal ko pa rin po ang tatay ng anak ko, Sir Randall," seryoso sabi niya, habang pilit pinapanatili ang kalmado boses. Kahit halatang naiinis pa rin, hindi napigilan ni Randall ang magtanong. "Kung mahal mo, nasaan na siya ngayon? Nasaan a

