RANDALL POV NARAMDAMAN niya ang biglang pagbago ng atmospera sa loob ng kwarto. Mukhang napansin din ni Nurse Andrea na sumobra na ito dahil biglang nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi nito at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. "Pasensya na po, Sir Randall," mahinahong sabi nito, habang dahan-dahang umaatras para bigyan siya ng personal space. "Hindi ko po sinasadyang bastusin o maliitin kayo. I apologize." Medyo nabigla siya sa biglaang pagiging pormal nito. Subalit, mas napahiya pa siya na ewan dahil seryoso talaga ito ngayon. Inayos nito ang cart at kinuha ang tray ng pagkain bago lumakad papunta sa pinto, humarap ito ulit sa kanya, bumalik ang propesyonal nitong aura bilang isang nurse. "I'll let you rest for now para matunawan ka po. Babalik ako mamaya banda hapon para ump

