RANDALL POV KASALUKUYANG nakatitig siya sa kawalan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sumulpot si Andrea na may malawak na ngiti, tulak-tulak ang isang rolling medical cart. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na tray ng healthy lunch—isang mangkok ng quinoa salad, grilled chicken breast, at sariwang prutas. Pero ang mas nakakuha ng pansin niya ay ang bitbit nitong medium-sized white board na puno ng makukulay na charts at schedules. "Good noon, Sir Randall! Lunch time na po," masiglang bati ni Nurse Andrea sabay lapag ng white board sa harap mismo ng bintana para hindi niya ito maiwasang tingnan. He scowled, looking at the food and then at the board. "Ano 'yan? At bakit may white board ka pang nalalaman?" "This is your official recovery chart," Andrea explained, pointing a

