ANDREA POV
SI ALLYSA..
HABANG nagkakasayahan ang lahat dahil may pa-night band ang hotel ng gabing iyon. Natigilan sila nang dumating si Allysa, ang ex-girlfriend ni Randall.
Ngunit mas natigilan sila ng walang pakundangan lumapit ang bagong dating kay Randall saka walang kaabog-abog na hinalikan ang binata sa labi. Naghiyawan ang mga tropa ni Randall, maging ang mga katabi niyang babae.
Tumitili ang mga ito at kilig na kilig habang siya blanko ang mukha. Yes, blanko ang mukha niya. Hindi niya kung paano mag-re-react sa naganap. Kitang kita niya na gumanti ng halik si Randall. Gosh ! Naglálaplapan ang mga ito sa harap ng maraming tao.
Pakiramdam niya may nakabarang bato sa lalamunan niya. Nanginginig ang buong kalamnan niya na parang gusto niyang sumigaw at sugurin ang mga ito.
Pero, bakit niya gagawin 'yon? Oo, may relasyon sila ni Randall pero isang bawal na relasyon na hindi pwedeng malaman ng lahat. Samakatuwid, wala siyang karapatan sugurin ang dalawa. Wala dahil mag-pinsan sila ni Randall, invalid ang magselos.
"OMG ! Ang ganda ni Allysa noh–" wika ng isang kasama nilang babae.
"Bagay na bagay talaga sila ni Randall."
"True ! Teka– paano nalaman ni Allysa nandito tayo? Sino nagsabi?"
Mahinang tumawa si Joyce.
"Ako ang nagsabi kay Allysa, girls. Sinabi kong walang partner si Randall at walang current girlfriend. So, she's here to claimed Randall again. At mukhang, hindi mahihirapan si Ally," ani ni Joyce sa mga kasamang babae kabilang siya na narinig ang lahat ng sinabi nito.
Napasulyap siya kay Randall, hawak nito ang braso ni Allysa at nagmamadaling umalis sa pool side. Napalunok siya. Dumating lang si Allysa, nawala na agad siya sa isip ni Randall.
Tumayo siya. "E-Excuse me, girls– restroom lang ako," paalam nya sa mga ito. Mabuti na lang at hindi halata sa boses niya na parang pipiyok dahil sa pinipigil na iyak.
Pagdating sa restroom, naupo siya sa isang cubicle at tahimik na humikbi. Masakit, parang tinatarak ng sampong kutsilyo ang dibdib niya dahil sa nangyayari. Umiyak siya nang umiyak hanggang nakatanggap sya ng text message galing kay Randall.
Boo, asan ka? Magpapaliwanag ako. Please, don't get mad.
Don't get mad? Ano ba siya bato na walang kakayahan masaktan? Hindi niya sinagot ang text nito kahit hanggang sa tumatawag na ito ay hindi pa rin niya sinagot bagkus inoff pa nya ang cellphone.
Inabot rin sya ng ilan minuto sa banyo. Nang mahimasmasan saka sya lumabas, hindi na sya nag abalang bumalik sa pool side. Babalik na lang siya sa inokupahan kwarto nila, pero pagkaliko nya sa may pasilyo kung nasaan ang elevator.
Bumangga sya sa isang matigas na bagay... Nope, tao pala. Napatingala siya. Matangkad kasi ang lalaking nabunggo nya.
"S-Sorry–" sabi nya kaagad.
"Nakapikit ka kasi maglakad."
Ba't parang ang sungit ng tono ng lalaking ito?
"Sorry kung nakapikit ako. Pasensya na–" aniya at akma lalagpasan na ang lalaki ng magsalita uli ito.
"Pinsan ka ni Randall, right?"
Kumunot ang noo niya pagkalingon sa lalaki. Tropa din ba ito ni Randall? Bakit ngayon lang niya nakita ito o 'di lang niya pansin? pero sure sya na hindi nila ito kasama sa rides.
"Timber. Timber Hernandez," pakilala nito sabay abot sa kanya ng kamay nito.
Napatingin sya sa kamay nito na nakalahad. "Nakita na kita non debut mo," dugtong nito.
"Ahh."
Wala siyang masabi. Pinagmasdan nya ang lalaki. Well, matangkad ito kasing taas din ni Randall. Hindi niya ikakaila na gwapo rin ito. Boy next-door ang dating. Malinis. Pormal. Mukhang chinese din ang mukha nito, may hawig ito sa chinese actor na si Hou Minghao.
"Pasado ba ako?" nakangising sabi ni Timber.
Namula siya. Napansin yata nito ang ilan segundong pagtitig nya rito. Tumikhim siya, sabay inayos ang buhok patungo sa likod ng tenga nya.
"Pasado mo mukha mo!" angil nya at walang kaabog abog na tinalikuran na ito saka tinungo ang elevator.
"Teka lang–" habol ni Timber sa kanya.
Napatili pa sya sa gulat nang bigla nitong iharang ang kamay sa pinto ng elevator para di magsarado. Pinandilatan niya ito ng mata.
"Tang ína mo ! Ba't mo ginawa 'yon? Akala ko mapuputol ang kamay mo–!" naiinis subalit kabadong singhal nya sa lalaki.
Malakas na tumawa si Timber. Nakapasok na rin ito ng elevator. Napasandal ito at nakangiting tinitigan sya.
"Grabe ang lutong ng mura mo ah."
"Ulitin ko? 'yon mas malutong pa."
Natatawang umiling ito. "You're cute."
Pinagkrus nya ang mga braso sa dibdib at tinaasan ito ng kilay.
"Ganyan ba makipag-flirt ang mga Manila boy?" pabalang na tanong nya.
"Nope. Hindi ako marunong makipag-flirt. Nagsasabi lang ako ng totoo."
Umingos siya. Napasulyap sya sa elevator, malapit na sa 8th floor. Pagkabukas, lakad takbo ang ginawa niya. Wala sya sa mood makipag usap ngayon. Hindi sya naka-friendly mode, beast mode lang.
"Hey– Andrea !"
Napalingon sya. Tumatakbong humahabol si Timber sa kanya.
"Ano? Bakit ka ba sunod ng sunod? At saka, bat ba nandito ka? Di ka naman namin kasama sa rides–" naroon na sya sa pinto ng kwarto nila ni Randall.
"Kakarating ko lang e kaya di nyo talaga ako kasama sa rides pero may balak din akong sumama rito, nagkataon lang na sumabay sakin si Allysa."
Napatango tango siya. So, ito pala ang nagdala sa ex girlfriend ni Randall. Tsk ! Parang gusto niyang manakit pero nagpigil siya.
"Okay. Nice to meet you, Timber. Bye." Walang buhay na sabi nya. Binuksan ang kwarto. Pumasok sa loob at sinaraduhan ang lalaki.
Wala siyang pakialam kung nagmukha syang bastos sa ginawa. Bahala ito, wala naman sya sinabing sundan sya nito. Napahiga na lang sya sa kama, dinig na dinig pa rin nya ang ingay at tunog ng live band sa pool side area.
Wala rito si Randall, akala pa naman niya nandito na ito pero mukhang busy pa ito sa ex girlfriend nito. For sure, nilalamutak ng mga ito ang labi ng isa't isa. Napahampas sya sa unas dahil sa nai-imagine nya na naman ang paghahalikan ni Randall at Allysa.
Ahhh bwiset ! Pwede bang magselos, pinsan naman sya ah !? tangína !!!
Napasubsob na lang sya ng mukha sa malambot na unan. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa tuluyan na sya makatulog. Nang magmulat sya ng mga mata, mabilis na napabalikwas sya ng bangon. Tumingin sa katabing kama, wala si Randall. Maliwanag na sa labas dahil sa sinag ng araw sa bintana.
So, hindi natulog sa kwarto nila si Randall. Marahan niyang hinampas ang dibdib. Kalma, Andeng. Kalma ka lang.