ANDREA POV
WELCOME TO TAGAYTAY...
NAWALA ang antok niya nang makarating na sila ng Tagaytay. First time niyang makita ang Taal Volcano kaya kanina pa siya panay kuha ng litrato.
"Enjoying the view, boo?" bulong ni Randall sa kanya. Napalinga-linga siya sa paligid. Wala na ang mga kaibigan nito, mukhang nauna na ang mga ito para mag-book ng kwarto.
Nasa Silvina's Cabin and Resort sila kung saan tanaw na tanaw ang ganda ng Taal Volcano. Malamig din ang simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam, nakaka-relax ang view. 'Yon tipong makakalimutan mo ang problema dahil sa nakakaakit na ganda ng lugar.
"Wag kang masyadong dumikit sakin baka kung ano isipin ng mga kaibigan mo–" may bahid ng pagkabahala na sabi niya sa binata.
Hindi pinansin ni Randall ang sinabi niya, umakbay pa ito sa kanya ng walang takot na baka may makakita sa kanila. Pasaway talaga 'to !
"Iisipin nila super close natin magpinsan," nakangising turan nito.
Marahan niya ito hinampas sa dibdib.
"Close ka diyan !"
"Bakit hindi ba? Close naman talaga tayo 'di ba? Super duper close pa nga–" akmang hahalikan siya nito sa labi subalit mabilis na umiwas siya at lumayo rito.
"Mag-behave ka ha, Randall." Pinandilatan niya ito pero natawa lang ito. Umingos siya. "Saan ba ang kwarto natin?" kapagkuwa'y tanong niya.
"Tara– nakapag-book na ko. Pasok na tayo," yakag nito.
"Two bedroom sana ang kinuha mo."
"At bakit naman?"
"Anong bakit ? Syempre magtataka mga kaibigan mo, ba't isang kama lang gagamitin natin. Palitan mo– gawin mong two bedroom," nagpameywang pa siya sabay taas ng kilay.
Ngumuso ito. "Ayoko."
Sumeryeso ang mukha niya at tinignan ito ng masama.
Napabuga ito ng hininga.
"Okay po. Masusunod po. Two bedroom na po," nakasimangot na sabi nito.
Tumawa siya dahil sa sobrang cute nito magtampo. Lumapit siya rito sabay pisil sa magkabilang pisngi. Pinanggigilan niya ang gwapong mukha nito.
"Good boy. Cute cute mo–"
Lalong humaba ang nguso nito at hinila na siya papasok sa loob ng resort. Nakapasok na sila sa kwartong inokupa nila at two bedroom talaga ang kinuha ni Randall. Very good !
Napangiti siya. Gano'n din naman, magkasama pa rin sila sa iisang kwarto, malamang sisiksik pa rin ito sa kanya mamaya pagtulog.
"Bihis ka na. Mag-dinner muna tayo lahat tapos mag-night swimming after," wika ni Randall habang hawak ang cellphone nito na tila may ka-chat.
Tumango siya. "Okay." Hinagilap na niya ang dalang bagpack. Nagdala siya ng black swim dress niya na susuotin. One piece swimsuit with skirt ang style iyon. Conservative na conservative ang datingan. Cute style.
Pagkababa nila naroon na ang mga kaibigan ni Randall sa pool side bar ng hotel. May nipa hut kung saan sila kakain ng dinner. Hapon na kasi sila nakarating ng Tagaytay, kaya sakto naman dinner dahil ala-sais na rin ng gabi.
"Guys, I know some of you already know my cousin, but I'll introduce her to you anyway. Her name is Andrea," nakangiting pakilala ni Randall sa mga kaibigan.
Ang ilan sa mga ito ay pamilyar na sa kanya dahil nagpunta na ang iba sa birthday niya. Kumaway siya sa mga kaibigan ni Randall at ngumiti.
"H-Hi..." nahihiyang sabi niya.
Bumati naman ang mga ito sa kanya. Ang ilan kasi sa mga kaibigan ni Randall ay ka-team nito sa basketball na may mga kasamang mga girlfriends kaya marami silang sabay-sabay na kumakain.
"So, Rand... Bakit 'di mo sinama si Allysa? Ikaw lang walang chicks dito oh–" pabirong tanong ng isang kaibigan ni Randall.
Patuloy lang siya sa pagkain, patay malisya kumbaga, hindi siya lumilingon kay Randall.
Ang alam niya nakipaghiwalay na si Randall sa girlfriend nito na si Allysa after niyang pumayag na magkaroon sila ng secret relationship. Gayunpaman, gusto niya pa rin marinig ang isasagot nito.
"Wala na kami three months na–" diretsong sagot ni Randall. "Okay lang walang chicks na kasama.." sumulyap ito sa gawi niya. "...may chicken naman akong isinama," natatawang sabi nito.
Malakas naman nagtawanan ang lahat sa pagbibiro ni Randall. Ah, Chicken pala ha? Hinampas niya ito sa braso. Napaigik ito na ikinatawa lalo ng mga kaibigan nito.
"Joke lang–" nag sign of peace naman ito saka pinakita sa kanya ang mala-prince charming nitong ngiti.
Hmmp, hindi tatagos sa kanya ang ngiti nito... kasi chicken sya !
Inirapan niya ito, basta pinagpatuloy lang niya ang pagkain. Hinayaan lang niyang makipagkwentuhan ang mga ito, inabala na lang niya ang sarili ubusin ang laman ng plato niya.
Mayamaya pagkatapos kumain ay saka sila nag umpisang maligo sa malawak na pool. Naki-join siya sa mga girlfriends ng mga kaibigan ni Randall habang ang nobyo at mga kaibigan nito, nasa pool bar, umiinom ng beer.
"We didn't know na may pinsan pala si Randall–" wika ng isang babae na may pangalan Joyce. Isa sa mga girlfriends ng tropa ni Randall.
Ngumiti siya. "Ang Tatay ko at Mommy ni Randall..magkapatid. Sa probinsya kasi kami nakatira, dun din ako lumaki, nandito ako sa Manila para mag-aral ng College," mahinhin na paliwanag niya.
Sabay sabay napa-AH ang mga ito.
"Speaking of College, sa UST ka rin ba?" tanong naman ng isang babae.
"Oo, UST din para iisang university lang kami ni Randall."
Tumango tango naman ito. "Ano kurso mo?"
"BS Psychology," nakangiting sagot niya.
Si Joyce naman uli ang nagsalita. "You seems close na ni Randall– kahit saglit pa lang kayo nagkakasama."
Tinubuan siya ng kaba dahil sa sinabi ni Joyce subalit hindi siya nagpahalata. Marahil napansin nito ang closeness nila ni Randall. Minsan kasi sinosobrahan ni Randall ang paglalambing e.
"Oo, siguro dahil only child ako tapos sya rin only child. Sabik kami sa kapatid kaya mabilis kaming naging close, saka mabait at malambing si Randall kaya nagkasundo kami agad–"
Mukhang nakontento naman ang mga ito sa sagot. Panay na ang kwentuhan ng mga ito about sa mga boys, love life at séx life. Umiinom na rin ang ibang girls samantalang siya saktong pineapple juice lang. Ayaw pa niya uminom, kaka-debut pa lang niya at saka ayaw niyang maging sakit ng ulo kina Tita at Tito.
Nagtatawanan na ang mga girls na kasama niya. Nabaling sa kanya ang atensiyon ng mga ito.
"Andrea, nagka-boyfriend ka na ba?"
Napaubo siya. Nasamid siya sa iniinom na juice. Nagtawanan ang mga ito.
"OMG ! Don't tell me, wala ka pang boyfriend?" gulat na gulat na tanong ni Joyce.
Umiling siya. "W-Wala pa. Kaka-18th ko pa lang, ayoko muna isipin 'yon ganyan," mahinang sabi niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa sagot niya.
Talaga ba, Andeng? Ayaw mo isipin mag-jowa .. kasi naka-secret relationship ka?
"Well, legal age ka naman na. Wala ka bang manliligaw? For sure, meron kasi attractive ka naman–"
"So true ! 'yon aura mo ang lakas maka-Shuvee Etrata o Nadine Lustre ang datingan."
"Kung gusto mo, ireto ka namin sa mga hotties sa ibang University? Marami kaming kakilala. Game ka na sa blind date?"
Sunod sunod na tanong ng mga ito sa kanya. Hindi tuloy niya alam ang isasagot. At saka, blind date? Napakagat labi siya sabay lumipad ang tingin niya sa gawi ni Randall.
Bumilis ang tahip ng dibdib niya dahil nakatingin din sa kanya si Randall. Para siyang matutunaw sa kakaibang tinginan nito, tumatagos sa balat niya ang mainit na titig nito. Napalunok siya.
Nope, no need sa mga reto reto o blind date.... Sapat na sa kanya si Randall, sa ngayon, eenjoyin na lang muna niya ang pakiramdam na maging nobyo ito kahit palihim.
Kaso... hanggang saan ang kaya mo Andeng na magtiis sa ganyang klaseng relasyon?