ANDREA POV
KINABUKASAN, nasa reception area siya ng resort. Naabutan niya si Timber na palabas ng lobby na may dala dalang helmet.
Tumikhim siya para pukawin ang atensiyon ng binata. Lumingon naman ito sa gawi nya, saka ngumiti. Nice, smile pang-colgate commericial !
"Oh, hello Andrea. Morning–"
Gumanti naman sya ng isang mahiyaing ngiti."M-Morning, pasensya ka nga pala kagabi. Natarayan kita."
He chuckled, which only made him appear even more handsome to her eyes.
"Ayos lang. Halata naman may pinagdadaanan ka," anito saka nagpatuloy sa paglakad palabas.
Pasimpleng sumunod naman sya.
"Ahm, san ka pupunta? Uuwi ka na?"
Hindi niya alam kung bakit iyon ang tanong na lumabas sa bibig niya. Tsk !
Sumulyap si Timber sa kanya.
"Hindi pa naman. Gusto ko lang mag-rides paikot. Gabi na kasi ng makabyahe ako tapos sumabay pa si Allysa, madilim na sa daan, di ko masyadong na-enjoy ang view," pagpapaliwanag nito.
"Sama ako–" walang inhibisyon sabi niya.
Sa katunayan, ayaw niya lang makita o makausap si Randall. At ayaw niya rin makitang magkasama si Randall at Allysa. Pakiramdam niya out-of-place na siya. Well, parang ganon talaga ang mangyayari dahil naroon si Allysa.
"Si Randall?" tanong ni Timber.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Bakit nakita mo ba si Randall?" may pait sa boses niya pero hindi niya pinahalata sa binata.
"Kanina, madaling araw. Magkasama sila ni Allysa sa may pool side parang–"
"Hayaan mo 'yon. Mukha naman nagkaayos na sila ni Allysa kaya busy na. Sama na lang ako sayo, tutal gusto ko rin mamasyal e," nagpa-kyut na sya para lang pumayag ito.
"Fine. Hop in–" marahan hinagis ni Timber sa kanya ang spare helmet nito na kaagad naman nya nasalo at sinuot.
Yamaha TMAX ang model ng motor ni Timber, malapad kaya parang bukang-buka ang mga hita niya pagkaangkas nya.
"Okay ka lang?"
"Hmm, hmm, tara na–"
Kaagad naman nitong pinaandar ang motor nang mabilis. Wala siyang choice kun'di ang mapayakap sa beywang ni Timber. Sa sobrang bilis, hindi na nya napasin na nakarating na pala sila sa isang simbahan.
Our Lady of Lourdes Parish. Iyon ang pangalan ng simbahan. Inalalayan naman siya ni Timber pababa ng motor, ito na rin mismo nagtanggal ng helmet na suot nya. Hmm, gentleman.
"Di ka naman siguro Atheist 'di ba?" nakangising tanong nito sa kanya habang nasa tapat sila ng entrada ng simbahan.
Pinukol nya ito ng matalim na tingin.
"Of course not !"
Malakas na tumawa ito. Nagulat pa nga sya ng hawakan nito ang braso nya at iginiya sya papasok sa loob.
"Bago tayo mamasyal. Mag-pray muna tayo," kumindat pa ito sa kanya.
Hindi na lang sya kumontra pa. Naupo sila sa mga bakanteng upuan. Pansamantalang, nanahimik sila habang siya pasimpleng gumagala ang kanyang paningin sa kabuuan ng simbahan.
Ilan minuto rin silang tahimik na nakaupo, parang mga twenty minutes din hanggang sa tumayo na si Timber at hinawakan muli ang braso nya saka naglakad sila palabas ng simbahan.
"Saan ang next destination natin?" pukaw niya sa binata.
"Coffee tayo," he grinned.
"Sige !"
Sunod na dinala sya ni Timber sa isang coffee shop na kung saan may magandang Taal volcano view. Tanaw na tanaw ang ganda ng Taal mula roon.
"Mag-breakfast at coffee na muna tayo. Ano bang mga gusto mo?" sabay abot sa kanya ng menu list.
"Gusto ko ng tapsilog with extra rice, isang pancake, isang slice tiramisu at mainit na kape," ngiting ngiti sabi nya.
Mahinang natawa si Timber. "Heavy breakfast pala ang trip mo–"
"Syempre sabi ng Tatay ko, kailangan kumain ng marami sa umaga, dagdag energy 'yon sa gagawin mo sa maghapon," saad nya na nakataas ang kilay.
"You have a point. Nanibago lang ako, madalas kasi sa mga naging girlfriend ko, mahina kumain o nag-da-diet sila kaya ayaw nila kumain masyado."
"Parang ibon kumain mga naging syota mo?"
Malakas na tumawa ito. Hatalang tuwang tuwa sa sinabi niya.
"Parang ganon nga siguro–"
"Tsk. Ang sarap kaya kumain, lalo na sa mga ganitong lugar. Nakakaganang kumain. Thank you nga pala sa pagsama mo sakin."
"No problem. Okay din naman may kasama 'di ako naboboring."
"Bakit madalas ka lang ba mag isa mamasyal?"
"Yeah. Mahilig akong mag-rides, magpunta at kumain sa kung saan-saan lugar. Nakapunta na ako ng Dingalan, Baguio, La Union, Batangas, Bulacan at marami pang lugar," pagmamalaking sabi nito na hindi tunog mayabang.
Matamis siyang ngumiti. "Sa Ilocos Sur, di ka pa nakapunta? Sa Candon City ako lumaki, don ang probinsya ko. Pag gusto mo mag rides papunta doon, sama mo ako ah–" tila batang excited na sabi niya.
Marahan natawa si Timber sabay tango.
"Sure ! Sabi mo 'yan ah–"
"Oo naman."
Marami pa silang napagkwentuhan habang kumakain, tungkol sa mga naging rides experience nito at syempre nag suggest din sya ng mga iba't ibang magagandang lugar sa Ilocos Sur tulad ng Vigan City at Bangui Windmills.
Matapos nilang kumain at magkape. Dinala siya ni Timber sa may Picnic Grove kung saan nagsubok sila mag-ziplining, horse backriding at sumakay sa cable car. Sobrang nag-enjoy siya kaya di na nila napansin ang oras. Padilim na ng maisipan nilang umuwi at bumalik sa resort.
Pagkababa sa motor, napatili siya sa biglang pagsulpot ni Randall sa kung saan at walang sabi-sabing sinapak si Timber na ikinatumba agad ng huli.
"R-Randall–!" hiyaw nya.
Ngunit parang bingi ito na hindi siya pinansin, madilim ang anyo nito na susugurin na naman ng suntok si Timber subalit nakailag ang binata at gumanti rin ng suntok kay Randall. Natuptop niya ang bibig nang parehas natumba sa lupa ang dalawa. Nagpapalitan ng mga suntok. Sumigaw sya upang makaagaw atensyon sa mga staff ng resort.
May mga lalaking staff ang umawat sa dalawa. Pinaghiwalay ang mga ito. Parehas putok ang mga labi at madumi dahil nag-wrestling ba naman sa lupa.
"Dámn you, Randall !" duro ni Timber.
Nagtaas ng gitnang daliri si Randall.
"f**k you ! Sino ka para isama si Andrea ng walang pasabi ha?!"
"Tatay ka niya? Ano ba si Andrea, grade two? Bat kailangan pa nya magpaalam sayo? Sino ka ba? Maka-asta ka parang boyfriend, ína mo!" ganting bulyaw ni Timber.
Nakatiim bagang si Randall. Madilim ang mukha nito halatang galit na galit. Napabuga siya ng hangin.
"Tumigil na kayo–!" nagpalipat lipat ang tingin nya sa dalawa. Dinuro nya si Randall. "Wala kang karapatan manakit, okay?! Kusa akong sumama kay Timber kaya wala syang ginagawang mali !" inis na sikmat nya sabay lingon kay Timber.
"I'm sorry, Tim. Salamat sa pamamasyal ha–" aniya at tinalikuran na ang mga ito at dire-diretsong naglakad papasok sa loob ng resort.
Mabilis na bumalik siya sa inokupahan kwarto, upang ayusin ang bag niya. Mas mabuti pang umuwi na lang sya kaysa mag-stay pa rito. Buong akala nya, mag-e-enjoy sila rito ni Randall, hindi pala.
Habang inaayos nya ang mga damit sa bag, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Randall saka pabalibag na sinara ang pinto.
"Wala kang sasabihin sakin, ha? Maghapon kitang hinanap. Alalang-alala ako sayo ! Panay text at tawag ko sayo, 'yon pala iniwan mo dito ang cellphone mo. Di ko na alam ang gagawin ko kakahanap sayo tapos malalaman ko lang may kasama kang lalaki, really, Boo?!" malakas na bulyaw nito.
Inis na hinarap nya si Randall.
"Ako may sasabihin? FYI, ikaw nga ang may dapat ipaliwanag sakin e ! You kissed Allysa ! Sabi mo magpapaliwanag ka pero wala – wala kang ginawa ! Hindi ka nga natulog dito sa room natin. Bakit nasaan ka? Saan ka natulog? Oh ano, kayo na ba uli ni Allysa? E di kayo na ! Pero wala kang karapatan manakit ng ibang tao just because you're jealous !! Wala kaming ginawang masama, okay? Pinasyal nya lang ako na kaysa naman magkulong ako dito sa kwarto dahil ayokong makita ka na kasama ang Allysa na 'yon !" habol ang hiningang sigaw nya habang panay tulo ang luha niya.
Napansin niya ang paglambot ng ekspresyon ng mukha ni Randall. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya, hinaplos ang basang pisngi nya at mahigpit na niyakap sya.
"I'm sorry, Boo. I'm sorry– I swear, di ko alam na darating dito si Allysa at di ko rin alam na hahalikan nya ko ng basta basta sa harap ng mga tropa ko. Maniwala ka ma o sa hindi, I did not respond to her kisses. Kinausap ko pa nga sya, kung bakit ganon ang ginawa nya. Nilinaw ko rin sa kanya na wala na kami, kahit anong gawin nya para magbalikan kami ay hindi na ako papayag pa." hinalikan ni Randall ang noo niya saka pinagdikit ang mga noo nila.
"Sorry, kung di ako agad nakapagpaliwanag. Na-corner ako ng mga tropa kagabi, naparami ang inom namin. Sinadya ko talagang matulog sa may pool side at hindi matulog rito dahil lasing ako... baka ano naman magawa ko sayo pag lasing ako, kontrolado ko sarili ko pero hindi pag lasing ako. I love you, Eya. I really mean it. I do love you, Boo. Please, wag mo na akong pagselosin ng ganon baka makapatáy ako. Ayokong makitang may kasama kang ibang lalaki, gusto ko ako lang. Ako lang dapat. Akin ka lang, Andrea."
Parang hangin na nilipad lahat ng sakit, pagseselos at pagtatampong nararamdaman niya ng mga oras na yon. Ibang klase na itong nararamdaman niya para kay Randall, maging siya hindi na niya alam kung pano kokontrolin ang sarili.
Tila may sariling buhay na iniyakap niya ang mga braso sa batok ni Randall at inilapat ang mga labi nya sa mga labi nito.