RANDALL POV PABAGSAK na naupo siya sa mahaba at malambot na couch sa bagong bili niyang condo. Gabi na rin natapos ang photoshoot niya para sa isang sikat na brand ng energy drink. Doon siya nagtungo kasama ang manager niya pagtapos ng event sa isang private school. Speaking of school event, mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng jacket niya. Nakatanggap siya ng isang text message galing kay Ross, na anak ni Andrea. Hmm, kung anak ito ni Andrea... technically, pamangkin niya si Ross, right? 'Heloo po, Idol Randall. Si Andrei Ross po ito.' Nag-type siya para mag-reply. 'Hey, kiddo. How old are you? Where's your Mama?' Napapailing siya. Talagang natanong niya 'yon? 'Tulog na po si Mama ko. 9 na po ako.' 'Is it okay to call you?' 'Videocall na lang po, Idol Randall.'

